LTO nag-isyu ng SCO vs Vlogger-Rider na nag-upload ng tahasang paglabag sa patakaran ng motorsiklo sa mga expressway
- Published on September 14, 2024
- by @peoplesbalita
NAGLABAS ang Land Transportation Office (LTO) Huwebes, September 12, ng Show Cause Order (SCO) laban sa isang rider na sadyang pumasok sa South Luzon Expressway (SLEX) kahit alam niyang bawal ang kanyang motorsiklo sa ilalim ng umiiral na mga patakaran.
Batay sa umiiral na alituntunin, mahigpit na ipinagbabawal sa expressway ang mga motorsiklong mababa sa 400cc ngunit sa pagkakataong ito, aware ang motorcycle rider na 250cc lang ang kanyang motorsiklo at sinabi pa sa vlog na susuriin niya kung papayagan siyang pumasok sa expressway.
Ang rider ay nag-upload ng kanyang iligal na aksyon sa social media, na kalaunan ay nag-viral nang tinawag siya ng mga netizens dahil sa tahasang pagwawalang bahala sa batas. Umapela pa ang ilan sa mga netizens sa LTO na ito ay bigyan ng karampatang aksyon.
Matapos malaman ang insidente, sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na agad siyang nag-utos ng imbestigasyon na humantong sa pagpapalabas ng LTO na nilagdaan ni Renante Militante, pinuno ng LTO-Intelligence and Investigation Division.
Sinabi ni Assec. Mendoza na ang ginawa ng vlogger ay hindi lamang iresponsable kundi mapanganib din dahil maaaring magdulot ito ng panganib hindi lamang sa kanyang buhay kundi pati na rin sa iba pang motoristang bumabagtas sa expressway, na tila ang South Luzon Expressway (SLEX).
“Ito ay maliwanag na pambabastos sa rules and regulations ng expressways na ginawa naman para sa kaligtasan hindi lamang ng motorcycle riders at pati na rin ang iba pang motorista na gumagamit ng expressways,” saad ni Assec Mendoza.
“Ang kahambugan na ipinakita ng rider na ito ay isang pagpapatunay ng kawalan ng disiplina. This will now be the subject of the investigation on whether or not he will still enjoy the privilege of being issued with a driver’s license,” dagdag pa niya.
Sa SCO, ang rider ay natukoy na taga Quezon City at ang video na kanyang in-upload ay ang ebidensya na mayroon ang LTO sa pagsasagawa ng imbestigasyon.
“As the identified Rider and Registered Owner of the identified Motorcycle, you are directed to show cause in writing why you should not be administratively charged for Disregarding Traffic Sign, Reckless Driving, and why your driver’s license should not be suspended or revoked for being an Improper Person to Operate a Motor Vehicle in connection with the above-stated matter,” ayon sa SCO.
Inutusan din ang rider na humarap sa LTO Intelligence and Investigation Division, Law Enforcement Service noong Setyembre 16 at dalhin ang lahat ng mga dokumento sa pagpaparehistro ng subject na motor vehicle.
“Failure to appear and submit your written answer will compel this Office to resolve the matter based on the available evidence on record,” base sa SCO.
Inilagay din ng LTO ang driver’s license at ang Kawasaki 250 na may Plate No. 428UDE ay inilagay sa ilalim ng alarma habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon. (PAUL JOHN REYES)
-
Kaso ng COVID-19 sa 9 na lungsod sa Metro Manila bumaba – OCTA
BUMABA ang kaso ng COVID-19 sa siyam na lungsod sa Metro Manila batay sa latest report ng OCTA Research group. Mula sa data ng Department of Health, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Team, sa 1,712 Bagong kaso ng COVID na naitala nitong nagdaang linggo sa bansa , 369 lang dito ang […]
-
Bilang ng mga Pinoy na target mabakunahan ng aangkating Covid-19 vaccine, sapat na upang makamit ang herd immunity- Malakanyang
TIWALA ang Malakanyang na maaabot ng gobyerno ang tinatawag na herd immunity sa gitna ng target na makapagbakuna ng hanggang 60 milyong mga filipino. Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng naging pahayag ni Dr Tony Leachon na para maabot ang herd immunity ay kailangang 60 hanggang 70 porsiyento ng populasyon […]
-
Biden, nagpaabot ng pakikidalamhati sa mga biktima ng Carina, Habagat sa Pinas
NAGPAABOT ng kanyang pakikidalamhati si United States President Joe Biden sa mga Filipinong nawalan ng mahal sa buhay o nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Carina at Southwest Monsoon (Habagat). Ipinaabot ni Biden ang kanyang mensahe kay US Secretary of State Antony Blinken sa joint courtesy call nila ni Defense Secretary […]