Bilang ng mga Pinoy na target mabakunahan ng aangkating Covid-19 vaccine, sapat na upang makamit ang herd immunity- Malakanyang
- Published on December 2, 2020
- by @peoplesbalita
TIWALA ang Malakanyang na maaabot ng gobyerno ang tinatawag na herd immunity sa gitna ng target na makapagbakuna ng hanggang 60 milyong mga filipino.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng naging pahayag ni Dr Tony Leachon na para maabot ang herd immunity ay kailangang 60 hanggang 70 porsiyento ng populasyon ng bansa ay kailangang mabakunahan nang sa isa lamang bagsakan.
Batay na din aniya kay vaccine czar Carlito Galvez, sinabi ni Roque na sapat na ang 50 million vaccination na target ng gobyerno para sa herd immunity.
Maliban dito, sinabi ni Sec. Roque na inaasahan nilang marami ding mga private pharmaceuticals ang magkakaroon ng pribadong immunization na hindi naman aniya tututulan ng pamahalaan basta ma-approve lang ng FDA.
Ang herd immunity ay mangyayari kapag mayorya sa isang komunidad ay immune na sa isang infectious disease na makapagpapahinto sa pagkalat pa ng virus.
Ito ay sa pamamagitan ng natural immunity na nakapitan na ng virus at ang isa’y sa pamamagitan naman ng pagbabakuna. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Step into the magical world of Coraline, now in stunning 3D! Catch the remastered 15th-anniversary edition of this stop-motion classic exclusively at Robinsons Movieworld from September 18 to 30
Get ready to step back into a world of wonder and suspense as the timeless stop-motion masterpiece Coraline returns to the big screen! Exclusively available at Robinsons Movieworld from September 18 to 30, the 2009 classic has been remastered in 3D, giving fans an immersive cinematic experience like never before. Originally released […]
-
SHARON, may bonggang birthday message kay Rep. VILMA; role sa ‘FPJAP’ posibleng may kaugnayan kina JULIA at ROWELL
BILANG certified Vilmanian, hindi talaga puwedeng hindi babatiin ni Megastar Sharon Cuneta ang nag-iisang Star For All Seasons at Lipa City Representative na si Vilma Santos-Recto na nag-celebrate ng 68th birthday noong November 3. Pinost ni Sharon sa kanyang Instagram ang birthday message kalakip ng old photo ni Ate Vi, “Recently I saw […]
-
OFFICIAL TRACE APP, INILUNSAD SA MAYNILA
INILUNSAD kahapon sa lungsod ng Maynila ang Official Tracer App ng Pilipinas para sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Nanguna sa launching ng naturang App, na tinatawag na ‘staysafe.ph’ ay sina Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, COVID testing Czar Secretary Vince Dizon, Tracer Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, at […]