Pinas magdedeploy ng panibagong barko sa Escoda Shoal
- Published on September 19, 2024
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Philippine Coast Guard (PCG) na plano ng Pilipinas na magdeploy muli ng panibagong barko sa Escoda Shoal, kapalit ng BRP Teresa Magbanua.
Matatandaang nitong Linggo ay bumalik at dumaong na ang BRP Teresa Magbanua sa pantalan ng Puerto Princesa, Palawan bunsod na rin ng kawalan ng sapat na suplay, gaya ng pagkain at tubig, at pagkakasakit ng ilang tripulante nito.
Kinumpirma naman ni PCG spokesperson for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na may iba pang mga barko na plano ng Pilipinas na ipadalang muli sa Escoda Shoal.
Hindi pa nagbigay ng petsa at detalye si Tarriela kung kailan ito magaganap ngunit sinabing ito’y sa lalong madaling panahon.
Paniniguro pa niya, pananatilihin ng Pilipinas ang presensiya sa naturang pinag-aagawang teritoryo.
Abril nang ipadala ng Pilipinas ang BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal upang magbantay kasunod ng ulat ng nagsasagawa umano ng reclamation sa lugar ang mga Chinese. (Daris Jose)
-
BSP nilinaw na wala silang bagong coin series na inilabas
NILINAW ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na wala silang inilalabas na bagong salapi o coin series sa bansa. Ginawa ng BSP ang paglilinaw kasunod na rin ng kumalat na imahe ng mga coins sa social media. Ayon sa BSP ang naturang mga larawan ay bahagi ng “Ang Bagong Lipunan” […]
-
Implikasyon ng naging desisyon ng Korte Suprema sa JSMA sa China, Vietnam, pag-aaralan ng DoE
PAG-AARALAN ng Department of Energy (DOE) ang naging desisyon at implikasyon ng Supreme Court (SC) ruling sa Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) sa China at Vietnam na sinasabing “void at unconstitutional.” Sa isang kalatas, sinabi ni DOE Undersecretary Alessandro Sales na titingnan nito ang nasabing desisyon, makikipag-ugnayan sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para sa kung […]
-
Presyo ng petrolyo muling sumirit
MATAPOS ang rollback noong nakalipas na linggo, muling sisirit sa araw na ito ang presyo ng mga produktong petrolyo, na sanhi ng hindi pa nareresolbang banggaan sa pagitan ng Russia at Ukraine. Sa magkakahiwalay na advisories, tataas ng P8.65 ang pump prices sa kada litro ng diesel at P3.40 sa kada litro ng […]