• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO Chief ipinag-utos na paigtingin ang anti-overloading operations sa buong bansa

INATASAN ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Vigor D. Mendoza II ang lahat ng enforcer ng ahensya na paigtingin ang operasyon laban sa overloading sa buong bansa.

 

 

Personal na pinangunahan ni Assec Mendoza ang pagsasagawa ng operasyon sa Quezon City noong Miyerkules ng hapon, Setyembre 18, kung saan 45 sasakyan ang naharang sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue at C5 ng pinagsamang puwersa ng LTO at Department of Public Works and Highways (DPWH).

 

 

Sa mga naharang na sasakyan, 13 ang napatunayang overloaded at nabigyan ng violation ticket.

 

 

“Patuloy naman ang implementation nito subalit lalo pa nating pai-igtingin ito dahil nakakagawa ng mga paraan ang ilang motorista para iwasan ito. Hindi na ito uubra ngayon,” pahayag ni Assec Mendoza.

 

 

Ayon sa kanya, ang kanyang direktiba ay gawing mas madalas ang inspeksyon at dapat gawin nang random.

 

 

Bukod sa mga truck, sinabi ni Assec Mendoza na lalo pang paiigtingin ang operasyon laban sa overloading, partikular na sa mga pampublikong sasakyan (PUVs), hindi lamang sa Metro Manila at mga urban areas kundi pati na rin sa mga probinsya.

 

 

“This is in line with the instruction of DOTr Secretary Jaime J. Bautista to ensure safety of all road users. Marami na tayong nakita na malalagim na aksidente dahil sa overloading kaya gagawin natin ang lahat ng ating makakaya upang maiwasan ito sa pamamagitan ng pagdisiplina sa mga pasaway na motorista,” ani Assec Mendoza.

 

 

Upang matiyak ang pagsunod, sinabi ni Assec Mendoza na inatasan na niya ang lahat ng Regional Directors na magsumite ng regular na ulat ng kanilang mga operasyon sa kanilang nasasakupan. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Ads January 27, 2021

  • Tulfo, Villar nagkasagutan sa hearing

    DAHIL  sa usapin ng mga private developer na ginagawang residential at commercial space tulad ng mga palayan at subdivision kaya nagkainitan sina Senators Raffy Tulfo at Cynthia Villar sa gitna ng pagdinig ng senado sa 2023 budget ng Department of Agriculture (DA).     Nag-ugat ang sagutan ng dalawang senador matapos tanungin ni Tulfo kay […]

  • BINISITA at binigyan ni Mayor John Rey Tiangco

    BINISITA at binigyan ni Mayor John Rey Tiangco ng tulong pinansyal ang mga pamilyang Navoteño na biktima ng naganap na sunog sa Brgy. North Bay Blvd. South Dagat-dagatan. Nabigyan din sila ng hot meals, hygiene kit, banig kumot, at pansamantalang matutulugan sa tulong ng CSWDO. Nagpasalamat naman ang alkalde sa lahat ng rumesponde sa sunog […]