• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DFA binulabog ng bomb threat

NAUWI sa tensyon ang pagbubukas pa lamang ng mga tanggapan sa Department of Foreign Affairs (DFA) nang mabulabog sa natanggap na bomb threat, sa Pasay City, kahapon ng umaga.

 

 

Kaniya-kaniyang labasan sa mga opisina ang mga kawani hinggil sa sinasabing nakatanim na bomba sa gusali ng DFA.

 

Natanggap ang ulat alas-7:00 ng umaga ni Pasay City Police Station, chief P/Col. Samuel Pabonita, na nag-utos sa mga ope­ratiba ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) at Special Weapon and Tactics (SWAT) Team na magtungo sa lugar upang suyurin ang bawa’t sulok ng tanggapan.

 

Ikinordon ang DFA, habang ang mga kawani at opisyal ay nagtipun-tipon sa 2330 Service Road, Roxas Boulevard.

 

Sa ulat na nakara­ting sa tanggapan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Leon Victor Rosete, nagmula ang impormasyon hinggil sa bomba na itinanim umano sa DFA building nang mag-email ang mga empleyado ng Philippine Embassy sa Canada. Sa nasabing embahada ipinarating ang impormasyon na ipinabatid lamang sa DFA sa Pilipinas.

 

Negatibo naman sa anumang bakas ng bomba sa mga tanggapan matapos ang pagsuyod ng EOD at SWAT kaya’t pinabalik ang mga kawani alas-8:00 ng umaga.

 

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.

Other News
  • Nag-enroll para sa pasukan ngayong school year nasa 22.5-M na – DepEd

    PUMALO na sa 22.5 million ang mga nag-enroll bago ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.   Ayon kay DepEd USec. Tonisito Umali, ang naturang bilang ay 99.68 percent na bilang na nakuha mula sa school year 2019 -2020.   Aniya, nasa 2.5 hanggang 3.5 milyong estudyente naman ang hindi nakapag-enroll ngayong school year 2020 […]

  • P.2M shabu nasabat sa Malabon, Navotas buy bust, 3 kalaboso

    AABOT sa mahigit P200K halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong drug personalies, kabilang ang isang babae matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.     Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust […]

  • “Gat Marcelo, who holds the esteemed title of National Hero, should be our guide and beacon” – Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS – “Si Gat Marcelo H. Del Pilar na ating pangunahing bayani na may hawak ng titulong Pambansang Bayani, siya ang gawin nating gabay at tanglaw. Ang kanyang kaisipan, paninindigan, at mariing pagtutol sa katiwalian at pag-abuso sa kapangyarihan ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa atin na ipaglaban ang tama at makatarungan.”   […]