Nag-enroll para sa pasukan ngayong school year nasa 22.5-M na – DepEd
- Published on October 3, 2020
- by @peoplesbalita
PUMALO na sa 22.5 million ang mga nag-enroll bago ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.
Ayon kay DepEd USec. Tonisito Umali, ang naturang bilang ay 99.68 percent na bilang na nakuha mula sa school year 2019 -2020.
Aniya, nasa 2.5 hanggang 3.5 milyong estudyente naman ang hindi nakapag-enroll ngayong school year 2020 – 2021.
Nasa 400,000 hanggang 450,000 daw ang nag-transfer mula private papuntang public school.
Kapag isasama naman ang mga naka-enroll sa private school nasa 24.72 milyon lahat ang kabuuang bilang.
Halos 90 percent na ito sa total number ng enrollees sa public at private schools mula naman sa 27.5 milyon noong nakaraang school year 2019- 2020. (Daris Jose)
-
DTI: Walang paggalaw sa presyo ng bilihin sa mga nasa State of Calamity
SINABI ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na awtomatiko ang price freeze sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa Bagyong Rolly. “Unang-una, the Typhoon Quinta last week, so may mga state of calamity, so automatic price freeze doon sa mga calamity areas—Albay, Batangas, Oriental Mindoro, Marinduque,” saad ni […]
-
Gordon, bahag ang buntot na maging paksa nang pagsisiyasat ng COA ang PRC
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na takot si Senador Richard Gordon na maging paksa ang Philippine Red Cross (PRC) nang pagsisiyasat ng Commission on Audit (COA). Ang pahayag na ito ng Pangulo ay sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee ukol sa P8-bilyong halaga ng pandemic supply na binili […]
-
Mga pinauwing Pinoy crew ng Japan cruise, hindi mawawalan ng trabaho: DOLE
Walang Pinoy crew ng MV Diamond Princess ang mawawalan ng trabaho. Ito ang tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga pinauwing mga Pinoy mula sa nasabing cruise sa Japan na sasailalim naman sa 14 days quarantine sa New Clark City sa Tarlac. Ayon sa kalihim, agad na ihahanda ang kanilang redeployment sa […]