• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Newly installed Army chief LtGen. Sobejana tiniyak walang sundalong aabuso sa Anti-Terror Law

Tiniyak ni newly-installed Philippine Army chief Lt Gen. Cirilito Sobejana na hindi maaabuso ang bagong batas na Anti-Terror Law of 2020 sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

 

Ito’y sa kabila ng pangamba ng mga kritiko na mismo ang mga tagapagpatupad ng batas ang aabuso dito.

 

Ayon kay Sobejana habang siya ang commanding general ng Philippine Army kaniyang sisiguraduhin na tumutupad sa batas ang mga sundalo.

 

Binigyang-diin ni Sobejana na itataguyod ng Philippine Army ang “rule of law”, pag-galang sa karapatang pantao at pagtalima sa international humanitarian law sa kanilang pagtugis sa mga kalaban ng estado.

 

Kaniyang sisiguraduhin na ang bawat sundalo ay mag-e-“exercise” ng “self-restraint” at disiplina sa pagpapatupad ng Anti- Terrorism Law.

 

Sinabi ni Sobejana, sa gitna ng pagka-abala ng mga sundalo sa paglaban sa pandemya ay realidad parin ang pagsugpo sa terrorismo partikular sa Mindanao.

 

Naniniwala naman ang heneral na sa pamamagitan ng kooperasyon ng komunidad at ibat-ibang stakeholders hindi malayong mapagtagumpayan ang kampanya laban sa terorismo, at insurgency.

 

Siniguro naman ni Sobejana sa publiko na lalo pang palalakasin ng Army ang kanilang paglilingkod sa bayan at ipagtanggol ang mga ito laban sa mga kalaban ng estado at mapanatili ang peace and order. (Gene Adsuara)

Other News
  • HVI tiklo sa P120K Marijuana sa Valenzuela

    ISANG tulak ng illegal na droga na listed bilang high value individual (HVI) ang kalaboso matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng marijuana sa buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek na si Carlo Mendoza […]

  • Ads August 17, 2023

  • Sarno sinungkit ang 2 gold sa Tashkent Asian lift fest

    NAGREYNA sa Vanessa Sarno nang pamayagpagan ang women’s 71-kilogram division ng ginaganap pa ring 49th Asian Men’s and 30th Women’s Weightlifting Championships 2021 sa Tashkent, Uzbekistan nitong Miyerkoles ng gabi.      Pinitas ng edad 17 Pinay na barbelista mula sa Tagbilaran, ang gold medal sa total lift sa 229 kgs. at sa clean and […]