• October 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagsak presyo ng bigas, mararamdaman sa Enero

 

TINAYA ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. na sa Enero ng susunod na taon pa mararamdman ng taumbayan ang bagsak presyo ng bigas sa bansa.

 

 

Ito ayon kay Laurel ay kahit na nagdesisyon ang pamahalaan na bawasan ang taripa sa importasyon ng bigas simula sa susunod na buwan ng Oktubre.
Aniya, hindi pa nakakabangon ang mga rice traders sa naging epekto sa kanila ng nagdaang El Nino Phenomenon kayat bagama’t nagdesisyon ang pamahalaan na ipatupad ang pagbabawas sa tariff imports sa bansa ay sa Enero pa ng susunod na taon mararamdaman ang bagsak presyo ng bigas dahil sa nagdaang kalamidad.

 

 

Una nang nalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Executive Order 62 na nagsasaad ng pagbaba ng taripa sa rice imports ng 15% mula sa dating 35%. Sa pamamagitan nito ay inaasahan ang pagbaba ng halaga ng bigas.

 

 

Tinaya ng mga economic managers na aabutin ng P5 hanggang P7 ang bawas presyo sa bigas kada kilo dahil sa pagbaba ng tariff imports.
Sa ngayon ang presyo sa mga palengke at pamilihan ng well miled rice ay nasa P37 hanggang P42 kilo, Sinandomeng – P36 hanggang P42, Denorado – P48 hanggang P55, Angelica- P43 hanggang P46, Jasmine P46-P52 at Malagkit P60 kada kilo.

Other News
  • 2 nadakma sa higit P1 milyon shabu at granada sa Navotas

    MULING naka-iskor ng tagumpay ang Northern Police District (NPD) sa kanilang laban sa ilegal na droga kasunod ng pagkakatimbog sa dalawang drug pushers at pagkakakumpiska ng mahigit ng P1 milyon halaga ng shabu at granada sa buy-bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni NPD Director P/BGen. Ulysses Cruz ang […]

  • JERALD, pinuri ng netizens sa IG post na ‘letter to self’ dahil sa muling pagtaas ng Covid-19 cases

    PINUPURI ng netizens ang pinost ni Jerald Napoles sa kanyaang Instagram account na dinaan ang kanyang saloobin sa pagtaas na naman Covid-19 cases sa bansa sa pamamagitan ng isang liham sa kanyang sarili. Post ng aktor:   “Dear Jerald, “Linggo, maganda sikat ng araw, palabas ka na pero naisip mo. Mataas ang covid cases, dumadami […]

  • PH rescue team na ipinadala sa Turkey, binigyan ng ‘heroes welcome’ sa muling pagbabalik sa bansa

    BINIGYAN ng isang “heroes welcome” ang Philippine contingent na ipinadala sa Turkey para tumulong sa disaster response sa mga biktima ng malakas na lindol doon.     Kasabay ito ng muling pagbabalik sa Pilipinas ng 82 miyembro ng search and rescue team na ipinadala ng pamahalaan sa nasabing bansa para sa isang mahalagang misyon.   […]