Mamamayan, binalaan ng Obispo sa pagdami ng misinformation sa internet
- Published on September 21, 2024
- by @peoplesbalita
PINAG-IINGAT ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya sa patuloy na pagdami ng misinformation at disinformation sa internet.
Ayon sa Obispo, dapat maging mapagmatyag ang mamamayan upang maiwasang mabiktima ng scam lalo na sa online.
“In this age of misinformation and deceit, it’s crucial that we remain vigilant. Please take care to verify the authenticity of any messages or videos you encounter,” ayon sa pahayag ni Bishop Uy.
Batid ni Bishop Uy na may ilang indibidwal na ginagamit ng kanyang pagkakilanlan sa pamamagitan ng paglikha ng pekeng social media account tulad ng Facebook upang linlangin ang mga followers online.
Muling binalaan ng obispo ang mamamayan hinggil sa mga video at larawang kumakalat online na nilikha sa deep fake technology na isang artificial intelligence tool na ginagaya ng ang pagkilanlan ng isang indibidwal.
Kamakailan lang ay ginamit ang mukha at boses ni Bishop Uy sa isang product advertisement online kaya’t mariin ang paalala nitong maging mapanuri at mag-ingat sa mga napapanuod at nababasa online.
“I want to emphasize that while I am an evangelizer of Christ, I do not endorse any products,” giit ni Bishop Uy.
Una nang hiniling ng obispo sa mananampalataya na i-report ang mga pekeng social media account na nagtataglay ng mga ‘deep fake created video materials’ upang makaiwas sa scam ang mamamayan.
Ang ‘deepfake’ technology ay isang uri ng Artificial Intelligence na lumilikha ng convincing fake images, videos at audio recordings ng isang indibidwal.
Sa datos ng DataReportal nasa 86 na milyong Pilipino ang aktibo sa paggamit ng social media Lalo na ang Facebook habang naitala naman ng Statista research noong 2023 ang 14, 000 Pilipinong biktima ng online scam o mas mataas ng 100 porsyento kumpara sa pitong libong kaso noong 2022.
Patuloy na pinag-iingat ng Simbahan ang mananampalataya laban sa mga grupo at indibidwal na ginagamit ang pagkakilanlan ng mga cardinal, obispo, pari at mga institusyon ng simbahan para sa scam activities
-
Polish tennis star Swiatek nagkampeon sa Miami Open matapos talunin si Naomi Osaka
TINANGHAL bilang kampeon ng Miami Open si Iga Swiatek ng Poland matapos talunin si Naomi Osaka. Dahil sa panalo ay posibleng makuha nito ang number 1 spot sa world ranking matapos ang pagreretiro ni Ashleigh Barty. Mula sa simula ng laro ay hindi na hinayaan ni Swiatek na makalamang pa sa […]
-
COVID-19 positivity rate sa Metro Manila bumaba pa sa 11.5% – OCTA
BUMABA pa sa 11.5 percent ang COVID- 19 positivity rate sa Metro Manila pero may bahagyang pagtaas naman sa apat na lalawigan sa Luzon. Ayon sa OCTA research group na mula sa 13.9 percent noong December 17 ay nakapagtala naman ng pagbaba pa o nasa 11.5 percent ang positivity rate sa NCR […]
-
BI NAGSAGAWA NG SORPRESANG PAGSALAKAY SA LOOB NG BI FACILITY
NAGSAGAWA ng sorpresang pagsalakay ang mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa mga nakakulong sa kanilang warden facility (BIWF) sa Taguig City. Kabilang sa mga nagsagawa ng sorpresang pagsalakay na tinawag na “Greyhound Operation” ay ang BIWF management, mga opsiyal mila sa BI Intelligence Division gayundin ang BI Anti-Terrorist Group sa koordinasyon […]