• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, nanawagan sa mga lokal na opisyal ng Luzon na makipagtulungan sa gobyerno para sa paghahatid ng suplay ng pagkain sa NCR

NANAWAGAN ang Department of Agriculture sa lahat ng mga provincial chief executives at sa mga municipal mayors sa luzon na mangyaring makipagtulungan sa gobyerno upang hindi maantala ang paghahatid ng suplay ng pagkain sa National Capital Region at mga karatig- lalawigan na muling isinailalim sa modified enhanced community quarantine (mecq).

Nakarating kasi kay Agriculture Sec. William Dar ang impormasyon na may mga sasakyang nagde-deliver ng pagkain ang hindi makalusot sa mga inilatag na checkpoint sa bahagi ng Benguet province.

Kaya ang pakiusap ni Sec. Dar sa mga local chief executives, partikular na sa Benguet LGU ay makipagtulungan sa kanilang ahensya para matiyak na walang mabubulok na mga gulay o pananim na galing ng Benguet at maayos itong makararating sa Metro Manila.

Sa kasalukuyan, kumikilos na ang regional field office ng DA sa Baguio City upang hindi na magkaroon pa ng pagkaantala ang delivery ng mga suplay ng pagkain patungo sa NCR at mga karatig lalawigan na muling ibinalik sa MECQ .(Daris Jose)

Other News
  • Mahigit 244K katao, naapektuhan ng nagdaang Bagyong Dodong – NDRRMC

    NASA 66,540 pamilya o 244,824 katao ang apektado sa limang rehiyon dahil sa epekto ng habagat at Tropical Depression Dodong, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).     Sa pinakahuling bulletin nito, sinabi ng ahensya na ang bilang na ito ay mas mataas kaysa sa 24,008 pamilya sa update nito noong […]

  • Booster shot sa mga COVID survivors mas pinaaga – DoH

    MAAARI nang magpaturok ng booster vaccine ang mga breakthrough COVID-19 patients o fully vaccinated ngunit tinamaan pa rin ng naturang virus.     Matatandaang dati ay naghihintay muna ng ilang buwan, bago mabakunahan ang isang nagpositibo sa SArS-CoV 2.     Pero sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na kapag nawala na ang sintomas […]

  • Ads February 14, 2023