• March 30, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Umento ng government workers matatanggap na

MAAARI nang matanggap ng mga kawani ng gobyerno ang umento sa sahod ngayong taon.

 

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, hinihintay na lamang nila na mailabas ng Palasyo ang executive order para rito.

 

Lumalabas na nasa P36 bilyon ang nakalaang alokasyon para sa salary adjustment sa ilalim ng Personnel Services Expenditures ng Fiscal Year 2024.

 

Nilinaw naman ng kalihim na retroactive ang salary adjustment ng mga kawani ng gobyerno mula Enero ng taong ito, subalit hindi niya matukoy kung magkano ang itataas sa sahod.

 

Para naman sa susunod na taon, naglaan aniya ang DBM ng P70 bilyon para sa susunod na tranche ng salary adjustment sa mga kawani ng gobyerno kasama na rito ang taas sweldo para sa mga guro.

 

Bukod sa dagdag sweldo, mayroon ding aasahang P7,000 na cash na medical allowance ang mga kawani ng gobyerno, kung saan nasa P9.6 bilyon ang inilaang pondo para rito.

 

Iginiit diin ni Pangandaman na mahalagang mabigyan ng atensyon ang kalusugan ng mga kawani ng gobyerno.

Other News
  • PNP sa publiko: ‘Iwasan ang hoarding ng oxygen tanks at iba pang medical supplies’

    Patuloy na magbabantay ang Philippine National Police (PNP) upang maiwasan ang hoarding ng oxygen tanks at iba pang medical equipment at supplies.   Ito ang pagtitiyak ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar kasunod nang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID 19 at pangamba na magkaubusan ng oxygen tanks.     Ayon kay PNP […]

  • DA, gustong makausap ang DPWH hinggil pag-upgrade sa farm-to-market roads, bridges’

    GUSTO ng  Department of Agriculture (DA) na makausap ang  Department of Public Works and Highways (DPWH) upang matiyak ang maayos na daloy ng agricultural goods at mas mababang  transport costs sa pamamagitan ng  pagpapabuti at pagsasaayos ng imprastraktura.   Sinabi  ng DA na ang planong pagpupulong ay naglalayong tukuyin ang mahahalagang lugar para sa pag-upgrade ng […]

  • ALJUR, umaming nasadsad at nabugbog kaya nakapag-post laban kay KYLIE pero ‘di proud sa nagawa

    SA ginanap na face to face mediacon ng bagong pelikula ni Aljur Abrenica ay ipinaliwanag niya kung bakit niya nagawang mag-post ng mga dahilan kung bakit sila naghiwalay ng asawang si Kylie Padilla.          “I’m not proud sa nangyari. The reason why nagawa ko ‘yun, ‘yung post, kasi I felt like nasadsad na […]