‘No window hours’ sa number coding, ‘fake news’ – MMDA
- Published on August 27, 2024
- by @peoplesbalita
NAG-ABISO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na walang katotohanan ang kumakalat na larawan na nagsasabing may bagong iskedyul sa umiiral na Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Metro Manila.
Sa post ng MMDA sa kanilang Facebook page, sinabi nito na maling impormasyon ang kumakalat na mula alas 7:00 ng umaga am hanggang alas 7:00 ng gabi iiral ang number coding at wala nang window hours sa mga piling lansangan sa Metro Manila.
Nilinaw ng MMDA na walang pagbabago sa pinaiiral ng expanded number coding scheme na mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 8:00 ng gabi, na iiral mula Lunes hanggang Biyernes, maliban tuwing holidays.
Ang window hours ay kung saan maaari bumiyahe ang mga sasakyan na sakop ng coding sa window hours sa pagitan ng alas-10:01 ng umaga hanggang alas-4:59 ng hapon at mula alas-8:01 hanggang 6:59 ng umaga ng susunod na araw.
Umapela ang MMDA na pigilan ang pagkalat ng mga ganitong mensahe na dulot ay panic at kalituhan sa publiko. Huwag basta i-share ang natanggap sa social media. Suriing mabuti ang mga impormasyon na lumalabas sa social media upang hindi maging biktima ng pekeng balita.
-
Jerusalem ‘di isusuko ang WBC crown kay Castillo
GAGAWIN ni Pinoy world champion Melvin Jerusalem ang kanyang mandatory title defense kontra kay Mexican challenger Luis Angel Castillo sa Linggo sa Mandaluyong City College Gym. Sinabi ni Jerusalem, ang reigning World Boxing Council (WBC) minimum weight king, na napag-aralan na nila ang mga galaw ni Castillo. “Pagka-champion pa lang ni Melvin alam na namin […]
-
Pamalit sa Campus Journalism Act of 1991, inihain sa Kamara
PANAHON na para sa bagong batas na magtataguyod sa press freedom ng mga estudyante sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Sa House Bill 7780 o Student Journalists’ Rights Act of 2020 na inihain ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, layon nitong itakda ang hindi kinayang gawin ng Campus Journalism Act of 1991 or […]
-
Matapos makuha suporta nina VICE GANDA at HEART: POKWANG, kasama na sa humahabang listahan para kay CHEL DIOKNO
IDINAGDAG ng komedyanteng si Marietta Subong, o mas kilala bilang Pokwang, ang kanyang pangalan sa humahabang listahan ng mga artistang sumusuporta kay senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno. Noong Martes, nag-tweet si Pokwang ng “Dios mio panginoong mahabagin!! mag @ChelDiokno nalang ako!! kaloka sabi nga ni Gary V, dina natuto….” […]