Pamalit sa Campus Journalism Act of 1991, inihain sa Kamara
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
PANAHON na para sa bagong batas na magtataguyod sa press freedom ng mga estudyante sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Sa House Bill 7780 o Student Journalists’ Rights Act of 2020 na inihain ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, layon nitong itakda ang hindi kinayang gawin ng Campus Journalism Act of 1991 or Republic Act 7079.
“Maraming butas ang R.A. 7079. Puro generic ang mga probisyon at hindi klaro kung paano mapipigilan ang pagsupil sa mga karapatan ng student journalists. Layon ng House Bill 7780 na gawing diretsahang tugunan ang mga pagkukulang ng R.A. 7079,” ani Fortun.
Halimbawa aniya ay ang funding source ng student publications sa public schools. Sa maintenance and operating expenses budget dapat ng paaralan pondohan ang student publications, hindi mula sa savings.
“Sa ganitong paraan, siguradong may pondong mapagkukunan ang student journalists at kanilang advisers,” dagdag ng mambabatas.
Nakapaloob sa House Bill 7780 na 30 araw mula sa simula ng klase, nalipat na dapat ang pondo para sa student publication sa editors ng pahayagan. Tatlumpung araw din ang taning para mabuo ang editorial board.
Inasinta rin ng panukala ang komposisyon ng editorial board ng student publications, limitadong papel ng faculty adviser, at mga bawal gawin dahil sa censorship. Nakalista ang mga prohibited acts.
Ipinagbabawal sa panukala ang “prior review” at “prior restraint” ng mga opisyal o guro ng paaralan at dahil diyan hindi kailangan ang clearance o approval ng sinumang opisyal o guro ng eskuwelahan. Bawal din na hadlangan ang student journalists para hindi nila magamit ang mga pasilidad at kagamitan nila sa kanilang nakatakdang opisina sa kampus. Bawal hadlangan ng paaralan ang distribusyon ng student publications mula sa labas ng paaralan.
Nakasaad pa na maaaring dumulog sa Department of Education, Commission on Higher Education, or sa korte para sa mga reklamo at kaso tungkol sa campus journalism. (Ara Romero)
-
Secretary Roque, tikom ang bibig kung may impluwensiya pa o wala na sa super majority sa Kongreso si PDu30
TIKOM ang bibig ni Presidential spokesperson Harry Roque na magkomento sa kung may impluwensiya pa o wala na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa House super majority. Sa halip na sumagot ay ipinaubaya na lamang ni Sec. Roque kay Pangulong Duterte ang pagsagot kung sa tingin nito ay wala na siyang clout sa mayorya […]
-
Jordan Clarkson, Utah Jazz sintunado vs San Antonio
2022-2023 (77TH) NBA STANDING EASTERN CONFERENCE TEAM W L 1. Boston 24 10 2. Milwaukee 22 11 3. Brooklyn 22 12 4. Cleveland 22 13 5. Philadelphia 20 12 6. New York 18 16 7. Atlanta 17 16 8. Indiana 17 17 9. Miami Heat 17 17 10. Toronto 15 18 11. Chicago 14 19 […]
-
World Bank, inaprubahan ang $600-M loan para suportahan ang mga magsasaka at mangingisda sa Pinas
INAPRUBAHAN ng World Bank (WB) ang $600 million (₱33.2 bilyong piso) loan nakatuon tungo sa pagtaas ng market access at income para sa mahigit sa half a million na mangingisdang Filipino. Almost 60% of the poor work in agriculture in the Philippines, so accelerating the growth of agriculture and fishery is vital for […]