• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

400 traffic enforcers, itinalagang COVID-19 safety marshals ni Yorme

“Alam ko ang sinasaway niyo lang ay driver, pero simula sa araw na ito, ang sasawayin niyo na ay taumbayan.”

 

Ito ang binitiwang salita ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa 400 traffic enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na itinalaga nitong COVID-19 safety marshals sa lungsod.

 

Hinarap ng alkalde ang mga itinalagang COVID-19 safety marshals sa Kartilya ng Katipunan ngayong umaga kung saan sinabi nito na sila ang magsisilbing katuwang ng kapulisan at mga opisyal ng barangay sa pagpapatupad ng “health protocols” sa ilalim ng umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Maynila.

 

“Kayong lahat ay sanay sa kalsada. Araw-araw na ginawa ng Diyos marami na kayong nakitang makukulit, marami na rin kayong experience sa pakikiusap sa mga tao. We will help our uniformed personnel in the PNP and the MPD. We will augment them for their effort to keep peace and order of the city,” ani Domagoso.

 

Paliwanag ni Domagoso, sa kabuuang bilang ng mga traffic enforcers ng MTPB ay itinalaga nitong COVID-10 safety marshals habang ang kalahati naman ay ipagpapatuloy ang pagsasa-ayos sa daloy ng trapiko sa kalsada ng lungsod.

 

Dagdag pa ni Domagoso, bilang deputized civilian personnel, ang mga itinalagang safety marshals ay tutulong sa mga kapulisan at barangay na tawagin ang pansin o sitahin ang mga residente na pasaway at hindi sumusunod sa ipinapatupad na health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask, pagpapanatili ng physical distancing, mga residente na maaaring lumabas o hindi sa kanilang bahay atbp. umiiral na ordinasa at batas.

 

“Sasawayin natin ang mga hindi sumusunod sa batas, pero hindi natin kailangan maging mainitin ang ulo, hindi tayo kailangan maggagalit-galitan. Magagalit lang tayo kapag talagang may tiyak na kagaguhan, kawalanghiyaan, katolonggesan,” ayon pa kay Domagoso. (Daris Jose)

Other News
  • DC SUPERHERO FILM “BLUE BEETLE” REVEALS TEASER POSTER

    FRESH from CCXP 2022 in Brazil, check out the teaser poster for the upcoming DC superhero film “Blue Beetle” – in cinemas across the Philippines August 16, 2023.     The first Latinx-led superhero film from a major studio, “Blue Beetle” follows Jamie Reyes, a teenager who is gifted superhuman strength, speed, and armor when […]

  • 59 schools na napili sa face-to-face classes tinukoy na ng DepEd

    Pormal nang inanunsiyo ngayon ng Department of Education (DepEd) ang inisyal na pagpili sa 59 na pampublikong mga paaralan sa bansa para sa gagawing face-to-face classes.     Ang naturang bilang ay mula sa 638 na nominadong mga paaralan matapos makapasa sa granular risk assessment ng Department of Health (DOH).     Paliwanag ng DepEd, […]

  • Agarang tulong pinatitiyak… PBBM nagpaabot ng simpatiya sa mga biktima ng Bagyong Kristine

    PINANGUNAHAN ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang situation briefing sa Palasyo ng Malakanyang kung saan hiningan nito ng update ang mga concerned agencies.Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang situation briefing sa Palasyo ng Malakanyang kung saan hiningan nito ng update ang mga concerned agencies.   Ang pulong ay dinaluhan ng mga gabinete at mga head ng […]