• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PARKING ATTENDANT, PATAY SA SUV

NASAWI   ang isang parking attendant matapos mabangga ng isang SUV habang tumatawid sa kahabaan Taft Avenue sa  Maynila.

 

Naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical  Center ang biktimang si Jimmy Castro, 50, may live in partner  ng  694 TM Kalaw St, Ermita, Maynila.

 

Hawak naman ng MPD-Traffic Enforcement Unit ang  driver ng  2016 Toyota Fortuner na kulay  Bronze  at may plakang  PN NCE 7061 na si  Dr. Apolinario Tablan Jr y Cortez, 67, may-asawa,  Eurologist ng B7 L7 Domenico St, Portofino Heights, Las Pinas City .

 

Sa inisyal na imbestigasyon  base sa testimonya at ibinahagi na dashcam ni Dr.Cortez, binabaybay nito ang kahabaan ng Taft Avenue northbound kanto ng Kalaw St., Ermita nang pagtawid sa intersection ng Kalaw  nang biglang patawid  naman ang biktima patungo sa Silangang bahagi ng Kalaw St., habang ang traffic light naman ay naka-green light pa o naka-Go.

 

Dahil dito, ang harapang bahagi ng SUV  ay nabangga ang tumatawid na biktima  dahilan naman para tumilapon pa ng ilang metro sa kalsada.

 

Agad namang naisugod ng Lapaz Makati Rescue  ang biktima sa naturang pagamutan ngunit binawian din ng buhay.

 

Ang labi ni Castro ay dinala sa HPT Funeral Services para sa autopsy.

 

Habang si Dr.Cortez ay nanatili sa MPD-TEU para sa imbestigasyon at tamang disposisyon sa kaso. (GENE ADSUARA )

Other News
  • PBBM, pinalawak ang West Cebu ecozone; lumikha ng mas maraming RTC branch sa iba’t ibang panig ng Pinas

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalawak sa West Cebu Industrial Park, Philippine Economic Zone Authority (PEZA)-registered special economic zone sa bayan ng Balamban sa lalawigan ng Cebu.     Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Proclamation No. 710 noong Oct. 16, isang kopya kung saan isinapubliko araw ng Linggo, pinili ang […]

  • Public transport distancing niluwagan ng pamahalaan

    Mas marami ng mga commuters sa Metro Manila ang makakasakay sa trains tulad ng LRT 1, LRT 2, at MRT 3 at ganon din ang public utility vehicles (PUV) dahil nag relax ang pamahalaan sa physical distancing measures sa iba’t ibang klase ng public transportation.   Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang Inter-Agency […]

  • Ads September 22, 2023