• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANGELICA, inamin na hindi kumportable sa malulusog na boobs

HINDI raw kumportable si Angelica Panganiban sa kanyang boobs at inamin nga niya ito.

 

Wish niya na sana’y mas maliit na lang daw ito.

 

Isa si Angelica sa ating mga well-endowed actresses at as- set niya nga ito, actually. Little did we know na hindi pala siya proud dito.

 

“Eversince bata ako, insecurity ko siya,, eh,” pag-amin ni Angelica sa episode 2 ng kanyan digital show na ‘Ask Angelica.’

 

“Parang mas una kasi akong nag-mature sa. . . physically. Mas unang lumaki ‘yung boobs ko kaysa iba kong kasabayan,” sabi niya.

 

Kaya ang feeling daw niya noon ay parang out of place siya at gusto nga niyang itago ang kanyang boobs.

 

“Parang na-out of place ako, parang ‘bakit ganito? Bakit hindi naman ganu’n katulad ng sa iba kong mga kaibigan?’ Kaya lagi akong naka-slouch kasi gusto ko siyang parang itago. Gusto ko nu’n, mahaba ‘yung hair ko para natatakpan siya. So, hindi talaga ako kumportable sa kanya eversince,” sey pa ni Angge.

 

Napunta ang usapan sa boobs dahil sa isang netizen na humihingi ng advice dahil flat-chested siya.

 

Tinanong naman ni Angelica ang guest niyang si Ivana Alawi kung mas gusto rin ba nito ang maliit na boobs.

 

“Actually, hindi ko maintindihan kung malaki ba siya or maliit,” natatawang sabi ni Ivana.

 

“Kasi, parang cup B lang talaga siya. It’s not naman double D or. . .cup B lang ako. Kaya actually, ayokong nagba-bra kasi lalo siyang lumalaki,” sabi ni Ivana.

 

Natanong nga rin ang sexy star kung ilan ang bra niya at sey niya, “dalawa, pramis, 8 years na ‘yung bra ko.”

 

Kaloka! (Rose Garcia)

Other News
  • Mga dadalo ng SONA 2022, dapat sumailalim sa RT-PCR test

    MGA dadalo ng SONA 2022, dapat sumailalim sa RT-PCR test ng mula Sabado (Hulyo 23) ng ala-1:30 ng hapon       Ito ang nakapaloob sa ipinalabas na health and safety protocols ni House of Representatives Secretary-General Mark Llandro Mendoza bilang guidance sa mga dadalo sa pagbubukas ng First Regular Session ng 19th Congress at […]

  • PBBM, tinanggap ang pagbibitiw ng 18 pulis na di umano’y sangkot sa illegal na droga

    INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tinanggap nito ang pagbibitiw sa serbisyo ng 18 Third-Level Officers ng Philippine National Police (PNP) na di umano’y sangkot sa illegal drugs activities.     Base na rin ito sa naging rekumendasyon ng National Police Commission Ad Hoc Advisory Group na masusing nag-imbestiga sa usaping ito.     […]

  • Ads February 22, 2024