• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Checkpoint tinakbuhan, rider arestado sa Malabon

BINITBIT sa selda ang 25-anyos na rider matapos takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita nang parahin siya dahil walang suot ng helmet sa Malabon City.

 

 

Tumagal din ng ilang minuto ang habulan sa pagitan ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 at ng rider na si alyas Jay-ar, residente ng Paz St. Brgy. Tugatog, bago siya tuluyang masukol dakong ala-1:30 ng madaling araw.

 

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nagsasagawa ng Oplan Sita ang kanyang mga tauhan sa kanto ng M.H. Del Pilar at Basilio Streets sa Brgy. Tugatog bilang paraan ng pagsugpo sa kriminalidad nang parahin nila ang suspek na walang suot na helmet.

 

 

Bahagyang nag-menor muna suspek subalit, biglang humarurot patakas na dahilan para siya habulin hanggang tuluyang ma-korner sa Paez Street sa Barangay Concepcion.

 

 

Natuklasan din na walang rehistro ang motorsiklong minamaneho ng suspek kaya’t bukod sa paglabag sa R.A 10054 o ang Motorcycle Helmet Act at paglabag sa Art. 151 ng Kodigo Penal o ang Resistance and Disobedience to an Agent of Person in Authority, kinasuhan din siya ng paglabag sa R.A. 4136 o unregistered motorcycle sa Malabon City Prosecutor’s Office.

 

 

Ayon kay Col. Baybayan, nakikipag-ugnayan na sila sa Higway Patrol Group (HPG) upang alamin kung naka-alarma ang motorsiklong minamaneho ng suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Panelo, sinopla si Sotto; Estratehiya ng administrasyon sa pagtugon sa COVID-19 pandemic, binago na

    BINAGO na ng Duterte administration ang estratehiya nito sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.   Ito ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo bilang tugon sa naging panawagan ni Senate President Vicente Sotto III sa gobyerno na maghanap ng ibang paraan para labanan ang Covid-19 at huwag lamang umasa sa bakuna. […]

  • Mga Bulakenyong magsasaka, makikinabang mula sa tatlong ‘solar-powered irrigation system’ ng DA-NIA

    LUNGSOD NG MALOLOS – May 1,434 Bulakenyong magsasaka ang makikinabang mula sa nakumpletong tatlong solar pump irrigation na proyekto ng Department of Agriculture – National Irrigation Administration na inanunsyo sa ginanap na presentasyon ng Solar Irrigation Projects sa NIA Regional Office III sa Brgy. Tambubong, San Rafael, Bulacan noong Biyernes.     Ang nasabing tatlong […]

  • CHRISTIAN, hiyang-hiya na napaniwala at napa-order sa viral na ‘Pop Star Meal’; umaapela na baka puwedeng totohanin

    NAKAKAALIW ang naging experience ni Christian Bables nang patulan niya ang viral na Fan-made Jollibee ‘Pop Star Meal’.     Sa kanyang twitter post, “Nag drive thru ako for the pop star meal, shet hindi pala to totoo. Napapala ng hindi nagbabasa.     “Hi ate sa Jollibee drive thru, sa lutong ng tawa mo […]