• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas prayoridad sa COVID-19 vaccine – Chinese exec

Nangako ang China na bibigyang prayoridad ang Pilipinas sakaling makabuo ito ng bakuna laban sa COVID-19.

 

Ito ang sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin matapos ang pag-uusap sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese leader Xi Jinping.

 

Ayon kay Wang, na sa simula pa lamang ng COVID-19 outbreak ang Pilipinas at China ay nagtutulungan pagda­ting sa mutual assistance kaya nagkaroon ng koo­perasyon ang dalawang bansa kaya tumutok sila sa bilateral relations.

 

Matatandaan na noong SONA ni Pangulong Duterte, sinabi niya na nakausap niya si Xi at pinasiguro niya dito na bibigyang prayoridad ang Pilipinas para makakuha ng bakuna laban sa coronavirus.

 

Ang Pilipinas ang isa sa may pinakamataas na infection rates sa Southeast Asia na umabot na sa 83,673 kaso at 1,947 deaths.

 

Habang patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 partikular na sa Metro Manila. (Daris Jose)

Other News
  • Magnitude 5.9 na lindol niyanig Mindoro, ramdam hanggang Metro Manila

    BINULAGA nang malakas-lakas na magnitude 5.9 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon ayon sa Phivolcs, bagay na nangyari ilang oras matapos ianunsyo ang 2023 Bar Exam results.     Bandang 4:23 p.m. kahapon nang yanigin ng lindol ang epicenter ng Lubang, Occidental Mindoro.     Nagtala ang Phivolcs ng iba’t-ibang intensity sa maraming bahagi […]

  • Pangakong pagsakay sa Jetski papuntang West Philippine Sea, pure campaign joke-PDu30

    “It was a pure campaign joke.”   Ito ang inamin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa kanyang sinabi noong 2016 ukol sa pagsakay niya sa jetski para pumunta ng West Philippine Sea at sabihin sa mga Tsinoy na pag-aari ito ng Pilipinas.   Patuloy kasing inuungkat ng kanyang mga kritiko ang naging pahayag nito […]

  • Mansion ni Thompson sa LA, ibinebenta

    Inanunsyo ni Cleveland Cavaliers star  Tristan Thompson na ibinebenta na nito ang kanyang mansion.   Ayon kay Thompson, nagkakahalaga ang kanyang ibinebentang Encino Mansion ng $8.5 million.   Base sa ulat, tumaas ang halaga ng mansion ng $2 million mula ng mabili niya ito noong nakaraang taon ang 10,000 square foot farmhouse style na bahay. […]