• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd: Karamihan sa mga magulang, pinili ang modular learning para sa kanilang anak sa pasukan

Papalo sa halos 9-milyong mga magulang ang may gusto sa modular instruction bilang alternatibong learning modality para sa kanilang mga anak para sa darating na pasukan sa Agosto 24.

 

Batay sa resulta ng mga nakalap ng Department of Education (DepEd) na datos mula sa Learner Enrollment and Survey Form (LESF) survey, lumabas na nasa 8.8-milyon na magulang ang pabor sa paggamit ng mga module.

 

Sa ilalim nito, maglilimbag ang DepEd ng mga modules na ipapamahagi ng mga guro sa kanilang mga estudyante para malimitahan ang kanilang interaksyon sa isa’t isa sa harap ng krisis sa coronavirus.

 

Nasa 3.9-milyon naman ang may gusto sa blended learning, o kombinasyon ng iba’t ibang mga learning modalities.

 

Habang nasa 3.8-milyon na mga magulang naman ang pabor sa online learning; 1.4-milyon para sa Educational TV; 900,000 para sa radyo; at kalahating milyon ang may gusto sa iba pang modalities.

 

“Ang mga datos at impormasyon ay ginamit ng bawat regional at schools division office, at mga paaralan sa pagdisenyo ng kanilang sariling learning continuity plan partikular sa pagpili ng ipatutupad na learning modalities,” saad ng DepEd sa isang pahayag.

 

“Ang mga datos ay ginamit rin upang tukuyin ang budget requirements para sa LCP lalo na sa paggawa ng learning resources.”

 

Samantala, ipinakita rin ng survey na may kabuuang 395,743 na mag-aaral ang lumipat mula pribadong paaralan at state and local colleges and universities patungong pampublikong paaralan.

 

Sa kabilang dako, sa pinakahuling datos ng kagawaran, umabot na sa 22.3-milyong mga estudyante ang nag-enroll na sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

 

Ang naturang bilang ay 80.4% ng enrollment turnout noong nakalipas na taon.

 

Nasa 20.95-million na ang mga nagpatala sa mga public schools, habang nasa 1.37 million naman sa mga private schools.

Other News
  • Romualdez: Pagbaba ng inflation dapat pagtulungan

    HINDI lang dapat ang Pangulong Marcos at iba pang sangay ng pamahalaan ang kumilos para bumaba ang inflation ng bansa o pagmura ng mga bilihin kundi pati ang pribadong sektor.   Ito ang pananaw ni House Speaker Martin Romualdez matapos bumaba sa 1.9 percent ang inflation ng bansa noong Setyembre.   “Effort ni PBBM ‘yan […]

  • 2.99 million Filipinos, nananatiling walang trabaho

    KABUUANG 2.99 million mga Pinoy ang naitalang walang trabaho sa bansa ngayong patuloy na nananatili sa 6 percent ang unemployment sa buwan ng Hunyo kumpra noong Mayo.     Ang nasabing bilang ay mas mababa na kumpara noong June 2021 kung saan nasa 7.7 percent o 3.77 million ang walang trabaho.     Ang mga […]

  • Akbayan: ICC challenge ni Duterte, isang bluff

    TINAWAG ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña na bluff ang hamon ni dating Presidente Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).   Gayunman, nangako naman ang Akbayan na handa silang dalhin sa ICC si Duterte kasunod sa pahayag ng dating pangulo sa pagdinig ng House Quad Committee.   Nang tanungin na kooperasyon sa imbestigasyon ng […]