7-footer na Quinten Post, pasok na sa Warriors
- Published on September 28, 2024
- by @peoplesbalita
Opisyal nang pumirma sa Golden State Warriors (GSW) ang Dutch rookie 7-footer power forward at center Quinten Post, na may two-way contract.
Kasama nito ang mga 7-footer NBA players din na sina Boban Marjanović ng Houston Rockets, Victor Wembanyama ng San Antonio Spurs, Zach Edey ng Memphis Grizzlies, at Bol Bol ng Phoenix Suns, ang 24-anyos na si Post ay naghahanda nang makipagbanggan sa hard court sa NBA.
Si Post ay napabilang na draft ngayong 2024 NBA at 52nd pick, gayunpaman, inuna siya ng Warriors sa training camp.
Nagmula siya sa Mississippi State Bulldogs at sa Boston College Eagle noong mga nakaraang taon niya sa kolehiyo.
Siya ay may average na 15.1 points noong 2022-2023 at 17.0 points naman noong 2023-2024.
Number 21 ang isusuot niyang jersey pero hindi pa tiyak kung kailan siya magpapakitang-gilas kasama si Stephen Curry at iba pang Warriors superstars.
-
1,400 pamilya makikinabang sa itatayong NavotaAs Homes III
SISIMULAN na ang pagtatayo ng NavotaAs Homes 5-Tanza 1 Phase 2 housing project ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas, kasunod ng isinagawang groundbreaking nito sa pangunguna nina Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod sa National Housing Authority (NHA). Pag natapos na ang may 5.6 ektaryang proyektong pabahay […]
-
Muling pag-extend ng ECQ sa NCR PLus, malabo- Sec. Roque
MALABONG i-extend o palawigin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) para sa third consecutive week sa NCR Plus sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malayong mangyari na i-extend ang ECQ lalo pa’t nabanggit na ni Budget Secretary Wendel Avisado na wala ng budget para sa karagdagang ayuda sa low-income […]
-
Wish ng fans, isang magandang project: ALDEN, nakitang kasama si PAOLO at top GMA executives
AFTER manalo ng Best Supporting Actor award si Juancho Trivino as Padre Salvi at Best Director award si Zig Dulay, para sa top-rating GMA historical fantasy portal series na “Maria Clara at Ibarra,” nakapagtataka ba kung susunod namang mananalo ng award si Dennis Trillo, as Crisostomo Ibarra. Sa isang makapanindig-balahibong eksenang napanood sa […]