Wish na makapag-crossover din sa ‘Widow’s War’: RABIYA, pangarap na mabingi sa malakas na sampal ni JEAN
- Published on October 1, 2024
- by @peoplesbalita
TYPE palang magpasampal ni Rabiya Mateo kay Jean Garcia sa teleserye na ‘Widow’s War’.
Wish ng former Miss Universe Philippines 2020 na mag-crossover ang character niyang si Tasha na galing sa teleserye na ‘Royal Blood’.
“I’m open to the idea na si Tasha papasok sa Widows’ War. At sana makaeksena niya ang isang Jean Garcia, ‘di ba? Masampal man lang siya ni Aurora.
Pangarap ko ‘yon na mabingi sa sampal ni Ms. Jean Garcia!” tawa pa niya.
May ilang characters from ‘Royal Blood’ ang tumawid sa ‘Widows’ War’ tulad nila Lianne Valentin, James Graham, Charlie Fleming, Lee Victor at Arthur Solinap na galing din ang character sa ‘Widows’ Web’ na pinanggalingan din ni Vaness del Moral.
Pero tumaas ang kilay ng mga marites sa sinabi ni Rabiya. Baka raw ang dahilan kung bakit type niyang lumabas sa ‘Widows’ War’ ay hindi dahil kay Jean kundi kay Jeric Gonzales. Balita kasing hiwalay na naman sila at in-unfollow niya sa social media ang Kapuso actor.
***
NAGBUNGA ang mahusay na pagganap ni Brent Valdez sa teleserye na ‘Widows’ War’. Ngayon ay kasama siya sa cast ng ‘One More Chance’, The Musical ng PETA.
Nag-debut performance si Brent noong September 27 bilang si Kenneth na ginampanan ni James Blanco sa 2007 movie version.
“Sobrang fulfilling. After months of training, preparation, maraming emotions ‘yung kinailangang paghandaan para dito sa musical na ito.
“Hindi ko lubos akalain na magagawa ko. May times na tinatanong ko ‘yung sarili ko, ‘Kaya ko pa ba ‘to?’ But, I’m grateful to everyone for the love and support,” sey ni Brent na na-challenge sa pinagsabay na dancing, singing, and acting.
Ang gumaganap na Popoy at Basha sa naturang musical ay sina Sam Concepcion at Anna Luna. Tatakbo ito until October 27 sa PETA Theater Center, New Manila, Quezon City.
***
PUMANAW sa edad na 88 ang country music icon and Hollywood film and TV actor na si Kris Kristofferson.
Tahimik itong namaalam sa kanyang pamilya sa Maui, Hawaii noong Sept. 28.
Pinasikat ni Kris ang mga sinulat niyang country songs tulad ng Why Me, Highwayman, Bobby McGee at For The Good Time. Naging wife niya ang singer na si Rita Coolidge in 1960 at nag-divorce sila in 1969.
Naging leading man siya ni Barbra Streisand sa pelikulang ‘A Star is Born’ in 1976. Ginawa rin niya ang mga pelikulang ‘Alice Doesn’t Live Here Anymore’, ‘Heaven’s Gate’, ‘Lone Star’ at ang ‘Blade’ film trilogy.
In 2004, Kris was inducted into the Country Music Hall of Fame.
(RUEL J. MENDOZA)
-
DOTr nag award ng tatlong contracts para sa PNR Phase 2 Project
NAG-AWARD ng tatlong natitira pa na contracts para sa civil works ang Department of Transportation (DOTr) at Philippine National Railways (PNR) na laan sa Clark Phase 2 project o ang Malolos- Clark extension ng North-South Commuter Railway System. Ang tatlong (3) contract packages ang siyang nagkumpleto sa limang (5) civil works packages ng PNR […]
-
Nasasaktan pa rin siya sa nangyari: ARRA, lost ang confused sa paghihiwalay ng PBA player bf na si JUAMI
LOST and confused daw si Arra San Agustin dahil sa pag-reveal niya na hiwalay na sila ng PBA player boyfriend niya na si Juami Tiongson ng Terrafirma Dyip. October 2022 raw naghiwalay ang dalawa at inamin ni Arra na hanggang ngayon ay nasasaktan pa siya sa nangyari. Apat na taon din daw kasi […]
-
Alice Guo ‘iseselda’ sa Pasig City Jail – PNP
POSIBLENG ngayong araw mailipat sa Pasig City Jail si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo. Ito naman ang napag-alaman mula kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, dahil kailangan pang ibalik ng Criminal Investigation and Detection Group ang warrant of arrest ni Guo sa Pasig Regional Trial Court. Ayon sa PNP, may ilan […]