• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit P200M na malilikom, ipatatayo ng dialysis centers: SAM, pina-auction ang ten luxury cars sa kanyang charity event

HANGGANG saan ba ang kaya ng isang tao na mag-give up ng mga mahalagang bagay na pag-aari niya para lamang makatulong sa kapwa?

 

Well, pinatunayan ni Sam Verzosa na gaano man kahalaga sa kanya ang mga luxury cars niya ay kayang idispatsa ang mga ito kung mapupunta naman sa mga nangangailangan ang kanyang pagbebentahan.

 

Sampu, yes sampu, sa mga koleksyon ni Sam ng mamahaling sasakayan tulad ng Maserati, Lamborghini, Ferrari na ang kabuuang halaga ay more than two hundred million, ang bukal sa loob ni Sam na ibinenta para makalikom ng halagang ipampapatayo ng mga dialysis center sa iba-ibang lugar sa Maynila.

 

Idinaos sa pamamagitan ng isang car auction ang ginanap na charity event ni Sam upang matulungan ang mga mamamayan ng Maynila na nangangailangan ng tulong medikal lalo pa nga at mahal ang pagpapa-dialysis.

 

“This is for the building of Sampaloc Dialysis and Diagnostics Center.

 

“Iyon nga, yung tatay ko before he died, nag-dialysis din talaga siya.

 

“Ito po dagdag lang. Meron na tayong mga SV mobile complete with laboratory equipments, X-Ray, ECG, ultrasound.

 

“Meron tayong SV mobile botika na umiikot everyday para magbigay ng gamot sa mga kababayan natin.

 

“Ito po ay dagdag lang para matayuan natin ng dialysis center ang iba’t-ibang mga lugar sa Maynila, unang-una ang Sampaloc, kung saan ako lumaki, para sa libreng pagpapagamot ng mga kababayan ko sa Maynila.”

 

Uunahin muna niya ang Sampaloc dahil …

 

“Yun ang tahanan ko, e. Doon ako lumaki, doon ang lugar kung saan ako ipinanganak, kung saan ako namulat, nangarap, at umasenso.

 

“Kaya gusto kong ibalik sa mga kababayan ko ang lahat ng ibinigay sa akin ng Diyos,” pahayag pa ni Sam.

 

Paano pa kaya nagkakaroon ng oras si Sam na tumulong samantalang sobrang busy na niya bilang Tutok To Win Partylist representative rin at host ng ‘Dear Sam’ ng GMA at isa rin sa pinuno ng Frontrow International.

 

Si Sam rin ang presidente ng Modena Motorsports Inc., na distributor ng Maserati cars dito sa Pilipinas at iba pang bansa sa Asya.

 

Well if there’s a will, there’s a way.

 

Samantala hindi na ibinunyag ni Sam ang pangalan ng mga mayayamang businessmen na bumili ng mga luxury cars niya para maprotektahan ang privacy ng mga ito.

 

Basta ang mahalaga aniya ay ang pagsuporta nila sa kanyang hangaring makatulong sa mga nangangailangan.

 

Hindi na maawat ang adbokasiyang ito ni Sam lalo pa nga at nakahanda na ang mga lupain na pagtatayuan ng mga dialysis centers.

 

Isa lamang ito sa maraming gagawing pagtulong ni Sam kaakibat ang balak niya na tumakbo bilang mayor ng Maynila.

 

Full support nga pala si Rhian Ramos kay Sam, dumalo ang aktres sa auction ng kanyang boyfriend.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Sa pabubukas ng bago nilang negosyo: YSABEL at ELLE, sinuportahan nina MIGUEL at DERRICK

    PATULOY na umaalagwa ang career ni Paolo Contis lalo pa nga at nitong Biyernes, September 22 ay pumirma siya ng panibagong kontrata sa Sparkle ng GMA Network.     Sa interbyu kay Paolo ay itinanong dito kung ano ang sekreto ng kanyang pagiging versatile; kasi nga si Paolo ay mahusay sa drama, sa comedy, sa […]

  • Mas malaking pondo, kailangan ng DepEd sa ilalim ng new normal – official

    Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) na mangangailangan umano sila ng mas malaking pondo sa darating na taon kasabay sa ginagawang adjustment ng kagawaran bunsod ng mga pagbabagong hatid ng coronavirus crisis.   Paliwanag ni DepEd USec. Jesus Mateo, inaasahan na nilang lalaki ang bilang ng kanilang mga kawani dahil sa pinaghahandaang transition patungo sa […]

  • Valenzuela nagsagawa ng pagsasanay sa mga guro para sa paghahanda sa reading camp 2024

    NAGSAGAWA ang Valenzuela City, sa pakikipagtulungan ng Synergeia Foundation at DepEd Valenzuela ng komprehensibong pagsasanay para sa mga guro bilang paghahanda para sa Valenzuela Reading Camp 2024 sa WES Events Space Lawang Bato.       64 na guro, na kilala rin bilang “reading coordinators ang sumailalim sa komprehensibong pagsasanay sa pagtuturo sa Valenzuela Reading […]