• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas malaking pondo, kailangan ng DepEd sa ilalim ng new normal – official

Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) na mangangailangan umano sila ng mas malaking pondo sa darating na taon kasabay sa ginagawang adjustment ng kagawaran bunsod ng mga pagbabagong hatid ng coronavirus crisis.

 

Paliwanag ni DepEd USec. Jesus Mateo, inaasahan na nilang lalaki ang bilang ng kanilang mga kawani dahil sa pinaghahandaang transition patungo sa “new normal”.

 

“Sana po matulungan kami at masuportahan sa paglaki ng budget. Kasi po unang-una, hindi lang PS (personnel services) ang lalaki, kailangan magkaroon ng additional manpower hindi lang sa usapin ng guro pati ‘yung susuporta sa guro [IT personnel] kasi mag-iiba talaga ang ating sitwasyon eh,” wika ni Mateo.

 

“Lalaki rin po ‘yung communication expenses, sa katunayan nga po ngayong enrollment na isinasagawa natin, ‘yung mga teacher po nagtatawag sa mga kanilang dating estudyante—regular phone, cellphone, o kaya nag-e-email. Siyempre may mga internet expenses po iyan,” dagdag nito.

 

Sinabi pa ng opisyal, dapat ding maging parte ng new normal ang pangangalaga sa mental health ng mga guro at mag-aaral.

 

“We have to ensure yung mental health condition ng ating mga tao po. Kaya nararapat po na kailangan pa rin mag-increase ng manpower diyan o humanap ng mechanism to ensure that stable po mentally, spiritually, physically tayong lahat,” ani Mateo.

 

Dapat din aniyang bigyang prayoridad ang internet connectivity at electrification program ng ibang sangay ng gobyerno para matiyak ang pantay-pantay sa access sa blended forms ng edukasyon.

 

Sa Agosto 24 na itinakdang araw ng pagbubukas ng School Year 2020-2021, sisimulan ng DepEd ang pagpapatupad sa “blended forms” ng pag-aaral sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa.

Other News
  • Pope Francis, magsasagawa ng misa sa Vatican para sa 500th anniv ng Kristyanismo sa PH

    Pangungunahan ni Pope Francis ang mga Pilipino sa Italy sa selebrasyon ng ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas.     Ayon kay Scalabrinian Father Ricky Gente ng Filipino Chaplaincy sa Rome, magsasagawa ng Misa ang Santo Papa sa St. Peter’s Basilica sa Marso 14 dakong alas-10:00 ng umaga.     Ngunit dahil sa nagpapatuloy na […]

  • Catriona, magpapasaklolo sa NBI hinggil sa ‘nude pics’ issue

    Nakatakdang dumulog ngayong hapon sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) si 2018 Miss Universe Catriona Gray.   Sa nakuhang impormasyon mula sa NBI posibleng maghahain ng reklamo si Catriona sa NBI-Cyber Crime Division.   Kasunod umano ito sa mga malalaswang larawan nito na nagkalat sa social media na mariin niyang itinangging siya ito […]

  • PDu30, nangakong patuloy na lalabanan ang korapsyon hanggang matapos ang termino

    SA KABILA ng pag-amin na mahirap na gawain ang paglaban sa korapsyon ay nangako pa rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na patuloy niyang lalabanan ang korapsyon hanggang matapos ang kanyang termino.   “We are not proclaiming that we have gotten rid of corruption. There is still corruption in this government and any other government […]