Comelec, binabantayan ang posibleng paglipana ng mga flying voter
- Published on September 30, 2024
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Commission on Elections na hindi na makakalusot ang mga botante na nagnanais magkaroon ng multiple registration para makaboto sa ilang presinto sa susunod na halalan.
Ayon kay Comelec spokesperson Atty Rex Laudiangco, binabantayan na ng komisyon ang posibilidad ng paglipana ng mga naturang botante o tinatawag ding flying voter.
Dahil sa gumagamit na aniya ang komisyon ng automated fingerprint identification system sa pagpapareshistro, nababantayan na ang bawat nagpaparehistro kung mayroon na silang mga datong record sa komisyon.
Kapag natukoy na mayroon nang dating record mula sa ibang presinto, otomatikong makakansela na aniya ang applikasyon ng mga ito.
Ayon kay Laudiangco, nakalusot ito noong nakalipas na halalan at mahigit 500,000 double at multiple entries ang kanilang namonitor batay sa isinagawang imbestigasyon ng komisyon.
Isa sa mga binabantayan ng komisyon ay ang posibilidad ng paghahakot ng mga kandidato ng ilang mga botante mula sa isang lugar at ipapa-rehistro ang mga ito sa lugar kung saan tatakbo ang naturang kandidato.
Pero ayon kay Laudiangco, gamit ang bagong sistema ng komisyon, mabilis na itong matunton ng Comelec at nakahanda itong magsampa ng election offence laban sa mga kandidato at maging sa mga botanteng nagpapagamit. (Daris Jose)
-
‘Spider-Man: No Way Home’ Cracks Open The Multiverse In New International Poster
A new international poster showcasing the shattering of the multiverse in Spider-Man: No Way Home and once again stars Tom Holland as the titular hero in his third solo MCU outing. The film debuted last month and has unsurprisingly become a box office sensation. Spider-Man: No Way Home picks up after the events of Spider-Man: Far From Home, […]
-
NBI kumikilos na vs mga nagpapakalat ng ‘No Bakuna, No Ayuda’ sa social media – Abalos
Binalaan ni MMDA chairman Benhur Abalos ang mga nagpapakalat sa social media na hindi makakatanggap ng ayuda ang mga hindi pa nagpapabakuna kontra COVID-19. Ayon kay Abalos, iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga aniya’y nanggugulo lang sa harap ng pagsisikap ng pamahalaan na makatulong sa mga residenteng apektado ng […]
-
Aminadong tagahanga siya ng SB19: JENNYLYN, sobrang kinilig nang si STELL ang lumabas sa Tiktok filter
ITO palang si Jennylyn Mercado ay tagahanga ng SB19, partikular ni Stell! At dahil nga matindi ang kasikatan ni Coach Stell at ng Kapuso show na ‘The Voice Generations’, may nauuso ngayon na The Voice Generations Tiktok filter kung saan may randomizer at tila isa ka ring contestant sa TVG. App […]