• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

120K Caviteños, nakinabang sa P1 bilyong halaga ng programa at serbisyo ng BPSF

UMAABOT sa 120,000 Caviteños ang nakinabang sa may P1 bilyong halaga ng programa at serbisyo ng gobyerno, sa ika-24 na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., na idinaos sa Cavi­te nitong Biyernes at Sabado.

 

 

Kaugnay nito, tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ipagpapatuloy ng BPSF ang paghahatid ng direktang serbisyo at tulong sa mga Pilipino.

 

 

Nabatid na ang pamilya Revilla, sa pangunguna ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., at misis nitong si Cavite Rep. Lani Mercado Revilla, ang naging local host ng aktibidad, katuwang si Speaker Romualdez at may 65 ahensya ng pamahalaan na may dalang 235 mahahalagang programa at serbisyo.

 

“Ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay patunay na walang maiiwan sa Bagong Pilipinas ng ating Pangulong BBM. Dito, mabilis, maayos, maginhawa at masaya ang serbisyong hatid natin sa bawat Pilipino,” ani Speaker Romualdez.

 

 

Sa ilalim ng naturang programa, ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng kabuuang P451 milyong cash assistance at 255,500 kilo ng bigas.

 

 

“Ang tagumpay ng Serbisyo Fair ay isang halimbawa ng ating pagkakaisa para tiyakin na maramdaman ng bawat Pilipino ang presensya ng pamahalaan,” sabi ni Speaker Romualdez.

Other News
  • Pagbibitiw sa tungkulin ni Sec. Avisado, tinanggap na ni Pangulong Duterte

    TINANGGAP na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibitiw sa tungkulin ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Wendel Avisado dahil sa “medical reason.”   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na itinalaga ng Pangulo para pansamantalang humalili kay Sec. Avisado si Usec. Tina Rose Marie L. Canda bilang Officer-in-Charge ng Budget Department   […]

  • Kino-consider na pasukin din ang showbiz: KIM, mukhang pursigido talagang ligawan ni Atty. OLIVER

    NAGING instant celebrity ang Cebu-based lawyer na si Atty. Oliver Moeller.   AyOn pa sa isang kababayan na malapit Kay Atty. Oliver ay pursigido raw ang abogado na mapalapit nang husto kay Kim Chịu.   When in fact, inaalam daw madalas ni Oliver ang mga araw na bibisita si Kim sa bahay nito sa Cebu. […]

  • Face-to-face classes bawal pa rin- Malakanyang

    MAY paghahanda nang ginagawa ang  of Education (DepEd) para sa  limited face-to-face classes.   Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kabila ng  bawal pa rin ang nasabing  set- up para sa pag-aaral ng mga estudyante.   Giit ni Sec. Roque, hindi pa rin payag si Pangulong Duterte sa tradisyunal na harapang pagka-klase […]