5 holdaper na tirador ng gasolinahan, timbog
- Published on October 1, 2024
- by @peoplesbalita
KULONG ang limang umano’y miyembro ng robbery hold-up group na tirador ng mga gasolinahan matapos matimbog sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Valenzuela police sa Navotas City at Bulacan.
Sa isinagawang press conference sa Valenzuela City Police Station sa pangunguna nina Mayor Wes Gatchalian, National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., at Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na unang hinoldap ng mga suspek ang Nation Gasoline Corporation sa Rizal Avenue Ext., Brgy. 48, Caloocan City noong September 22, 2024 dakong alas-2:40 ng madaling araw kung saan nakatangay ang grupo ng P10,000 cash at isang cellphone.
Sunod umanong hinoldap ng mga suspek ang Shell Gas Station sa kahabaan ng C3 Dalagang Bukid, Kaunlaran Village, Brgy. 14, Caloocan City noong September 25, alas-3:55 ng madaling araw kung saan nakatangay ang mga ito ng P2,000.
Nitong September 29, 2024 nang holdapin naman ng mga suspek ang Phoenix Gas Station sa M. H. Del Pilar, Brgy. Malanday, Valenzuela City bandang alas-3:10 ng madaling araw.
Natangay ng mga suspek ang P10,000 cash sa cashier booth, cellphone ng biktima na si alyas Robert, fossil wristwatch at P2000 cash sa biktimang si alyas Kenneth.
Kaagad namang bumuo ng team si Col. Cayaban at sa kanilang isinagawang follow-up operation ay naaresto ang apat na suspek sa Navotas City habang sa Bulacan naman nakorner ang isa pang suspek.
Nakumpiska sa mga suspek na pawang residente ng Lungsod ng Navotas ang ginamit na gateaway vehicle na isang gray Suzuki APV van, isang caliber .38 revolver na may bala at isang patalim.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong Robbery with Violence and Intimidation Againts Persons under Art. 294 of the RPC habang karagdagan na kasong paglabag sa RA 10591 at BP 6 ang kakaharapin pa ng isa sa kanila.
Pinuri naman ni Mayor Gatchalian si Col. Cayaban at ang kanyang mga tauhan sa kanilang mahusay na trabaho na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa mga suspek. (Richard Mesa)
-
Opisyal ng PSC Chairman si Dickie Bachmann
PATULOY na susulong ang pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC) sa ilalim ng bagong hinirang na chairman na si Richard Bachmann. Sa simpleng turnover ceremony na ginanap sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila kahapon, pormal nang ipinasa ni dating PSC chief Jose Emmanuel “Noli” Eala ang PSC chairmanship kay Bachmann, dahil ganap […]
-
Pilipinas, may sapat na kakayahan para gamutin ang mga posibleng tamaan ng UK variant ng Covid -19
TINIYAK ng Malakanyang na may sapat na kakayahan ang Pilipinas para gamutin ang mga magkakasakit o mahahawaan ng UK variant ng Covid -19. Ito ang dahilan ani Presidential Spokesperson Harry Roque kung bakit binawi na ng gobyerno ang travel ban sa ilang mga bansa na una nang nakitaan ng bagong variant ng virus. […]
-
Bagong LTO chief tutukan ang license plate backlog
ANG BAGONG talagang chief ng Land Transportation Office (LTO) ay nangako na tutukan ang backlog ng mga license plates sa harap ng mga opisyales at empleyado ng ahensiya noong nakaraang Lunes. “The license plate backlog and the issue of funding are an unending cycle of problems in the LTO. We will do a thorough review […]