• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panawagan ng ilang senador na gawan ng special audit ang naging gastos ng pamahalaan kontra Covid-19, oks sa Malakanyang

WELCOME sa Malakanyang ang panawagan ng ilang senador para sa special audit para sa naging gastos ng pamahalaan para labanan ang pagkalat at epekto ng COVID-19 sa bansa.

Giit ni Presidential spokesperson Harry Roque, walang itinatago ang gobyerno kaya okay lang sa kanila ang special audit.

Patunay na aniya rito ay ang pagsusumite ng weekly reports ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Kongreso hinggil sa implementasyon ng Bayanihan to Heal as One Act.

Ang batas, na napaso na noong Hunyo 25, ay nagbigay kay Pangulong Duterte ng special powers sa loob ng tatlong buwan para epektibong tugunan ang COVID-19 crisis.

“Walang pong tinatago ang Presidente at ang Malacañang. Lahat ng gastos, lahat po ng pera na ginastos para sa COVID-19 napunta po ‘yan para sa COVID-19 response ng gobyerno,” ayon kay Sec. Roque.

“We welcome the special audit noting na io-audit naman talaga yan ng COA dahil ang COA po ay post-audit po ang ginagawa,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer of the government’s COVID-19 sa publiko na ang transaksyon ay ‘aboveboard’.

“Maitataya po namin ang aming integridad sa pagbili ng mga pangangailangan ng ating mamamayan dito sa paglaban sa COVID,” ang pahayag ni Galvez. (Ara Romero)

Other News
  • 4 hrs/day teaching time, hirit ng mga guro

    UMAAPELA  ang isang grupo ng mga guro sa Department of Education (DepEd) na bawasan ang oras ng pagtuturo ng mga public school teachers at gawin itong apat na oras na lamang kada araw.     Sa isang pahayag, sinabi ni Alliance of Concerned Teachers (ACT)-Philippines spokesperson Ruby Bernardo na hindi makatao ang walang tigil na […]

  • NBA SEASON TIKLOP, GOBERT POSITIBO SA COVID-19

    HINDI na rin nakaligtas ang National Basketball Association (NBA) sa bilis ng COVID-19.   Sinuspinde na rin ng liga, “until further notice”, ang lahat ng mga laro ngayong season sa gitna na rin ng paglaganap ng coronavirus disease na tinagurian ngayong pandemic.   Ang nakakagulat na hakbang ng pamunuan ng NBA ay matapos na ipatigil […]

  • 2 most wanted persons, timbog sa Valenzuela

    KALABOSO ang dalawang lalaki na listed bilang most wanted sa Valenzuela City matapos maaresto sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya in relation to SAFE NCRPO sa naturang lungsod.     Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Jino Gabriel Yu, 18, at  residente ng Brgy. Ugong ng […]