Serbisyong pangkalusugan gawing digital – Citizen Watch Philippines
- Published on August 3, 2020
- by @peoplesbalita
Nanawagan ang isang consumer group para sa digital transformation ng health care sector upang mapunan ang malaking patlang sa paghahatid ng medical services sa mga mamamayang Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa isang pahayag, sinabi ng Citizen Watch Philippines na ang “digital transformation” o ang paglipat sa online ng mga serbisyong pangkalusugan ng Philippine health sector ay magbibigay-daan para maging mas episyente at ‘accessible’ ang mga serbisyo sa mamamayan ‘tulad ng medical, dental at mga konsultasyon sa doktor.
“To effectively address these life-threatening problems, the health sector must immediately shift to digital platforms as a safe, convenient, and reliable tool for delivering health care services to patients,” wika ni Citizen Watch Philippines convenor Orlando Oxales.
Ayon kay Oxales, sa pamamagitan ng telemedicine at iba pang digital solutions, ang mga pasyente ay hindi na mapipilitang ipagsapalaran ang pakikiharap sa ibang tao at ang posibleng pagkahawa kapag pisikal silang bumisita sa isang medical institution ng isang ahensya ng gobyerno.
“Instead, services such as clinical consultation become accessible from home,” sabi pa niya.
“Integrating innovative technologies is critical in implementing health laws such as the Universal Health Care and National Integrated Cancer Control Act”.
Binigyang-diin niya na ang paglipat sa cloud-based technologies ay magpapalakas sa public health care system na makabubuti sa buong health care ecosystem na may mga kalutasan para sa big data analytics, on-demand healthcare, virtual reality, artificial intelligence tools for treatment, block chain technology for electronic health records, at iba pang applications na nararapat na accessible sa pamamagitan ng mobile networks.
Partikular na ipinanawagan ng Citizen Watch Philippines sa pamahalaan ang pag-aalis ng bureaucratic barriers na pumipigil sa pagtatayo ng digital infrastructure sa loob ng maraming dekada.
“Public investment in digital infrastructure complemented with the right partnerships with the private sector and health care stakeholders is the whole-of-society approach we need to overcome our health crisis,” paliwanag ni Oxales.
Tinukoy rin ng grupo ang pangangailangan na ganap na ipatupad ang Ease of Doing Business law at permanenteng buwagin ang bureaucratic barriers sa national at local levels.
Hiniling din ng Citizen Watch Philippines sa pamahalaan na payagan ang telecom industry na tumulong sa pagtatayo ng future-proof digital infrastructure network upang matugunan ang fast-growing demand ng digitized society na iniuugnay ang lecosystems ng gobyerno, private industries, at consumers sa cloud-based services na ‘secure, stable and fast’.
“All these can only be possible if we have a robust nationwide and future proof digital infrastructure that will deliver fast broadband services,” sabi ni Oxales.
-
Sa kabila ng bashing na natatanggap: BOOBAY at SUPER TEKLA, nagkuwento kung papaano sila tinulungan ni PAOLO
NOONG magbalik-trabaho na si Winwyn Marquez, inamin nito na nag-struggle siya sa pagbalanse sa kanyang pagiging ina at sa hectic schedule niya sa showbiz. Pero habang hinahanap daw niya ang balanseng iyon, unti-unti raw na nasasanay ang katawan at utak niya. Aminado si Winwyn na hindi madali ang maging isang working parent, pero […]
-
Pilot test ng unified PWD ID system, ikakasa sa Hulyo-DSWD
NAKATAKDANG ikasa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa buwan ng Hulyo ang pilot test para sa unified persons with disability identification system. Matatapat ito sa pagsisimula ng National Disability Rights Week. Sinabi ni DSWD Assistant Secretary for International Affairs and Attached Supervised Agencies Elaine Fallarcuna na ang pilot testing ay tatakbo mula July […]
-
‘Perfect ambassador’ para sa Earth Hour: PABLO, mangunguna sa annual switch-off event sa Maynila
IBA talaga ang lakas ng impact ng SB19, buong grupo man o solohan. Ang leader kasi ng grupo na si Pablo ay napili para sa Earth Hour celebration ngayong taon bilang ng World Wide Fund for Nature Philippines (WWF-PH) bilang pinakabagong music ambassador para sa Earth Hour Philippines 2024. Si Pablo […]