Halos 100-K indibidwal apektado ng bagyong Julian sa Northern Luzon – DSWD
- Published on October 2, 2024
- by @peoplesbalita
SUMAMPA na sa halos 100,000 katao ang apektado ng pananalasa ng bagyong “Julian” sa 3 rehiyon sa northern Luzon.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development Asec. at spokesperson Irene Dumlao na sa datos mula sa kanilang disaster response management, mahigit 29,000 pamilya o mahigit siyamnapu’t siyam na libong katao ang naapektuhan ng bagyo sa tatlong daan at labing-isang brgy. sa regions 1, 2, at Cordillera administrative region.
Apat na raan at limang pamilya o mahigit isanlibo at dalawandaang indibidwal naman ang nananatili sa limampu’t walong evacuation centers.
Nakikipagtulungan na ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan upang patuloy na mahatiran ng tulong ang mga apektadong residente.
Nakikipag-ugnayan na rin ito sa Office of Civil Defense upang magamit ang air at naval assets ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang marespondehan lalo na ang mga pinaka-lubhang sinalanta ng bagyo sa region 2 partikular sa Cagayan at Batanes. (Daris Jose)
-
Galvez, umapela sa publiko na pagkatiwalaan ang bakuna na bibilhin ng Pilipinas
UMAPELA si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa publiko na pagkatiwalaan ang COVID-19 vaccines dahil ang bibilhin naman ng Pilipinas na bakuna ay ligtas at epektibo. “Magtiwala po tayo na ang mga bakunang darating ay daraan sa stringent evaluation ng vaccine experts panel at ng FDA (Food and Drug Administration). Lahat po ng vaccine […]
-
Dahil sa kawalan ng trabaho at problema sa pamilya, kelot nagpakamatay
ISANG 33-anyos na lalaki ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sarili dahil umano sa depresyon dala ng kawalan ng trabaho at problema sa pamilya sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Malabon Police Sub-Station 3 commander P/Maj. Carlos Cosme ang biktima na si Charie Odtuhan ng No. 9 Camia […]
-
Big-time oil price hike, umarangkada na naman
SIMULA alas-6 ng umaga, Martes (August 30) ay ipinatupad ng mga gasoline stations ang taas presyo sa kanilang produktong petrolyo. Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc., ay magkakaroon sila ng pagtataas sa presyo ng oil products dahil sa paggalaw ng presyuhan ng mga produktong petrolyo sa World market. […]