• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ipinag-utos ang mabilis na rehabilitasyon ng Marawi

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation (OPAMR) na i- fast-track ang rehabilitation efforts nito partikular na sa ‘kuryente, tubig at pabahay’ sa Marawi City.

 

Sa sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na dapat na makahanap ng maayos na paraan ang pamahalaan para mapabilis ang rehabilitasyon ng lungsod.

 

“You seem to have solutions to most of the issues. ‘Yun na lang, ‘yung installation of the power, and I think, more importantly, ‘yung tubig. We have to get that done as quickly as possible,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

Ibinigay ng Pangulo ang kautusan nito kay OPAMR Secretary Nasser Pangandaman Sr., na nag-brief sa Chief Executive ukol sa Marawi rehabilitation projects ng ahensiya lalo na ang tutukan ang elektrisidad, tubig at pabahay.

 

“Wala tayong magagawa ‘pag walang water supply. ‘Yung brownout, you can live with it. ‘Yung walang tubig, hindi talaga,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

Para naman kay Pangandaman, ipinaliwanag nito ang pagka-antala ng implementasyon ng Bulk Water Supply Project ng Local Water Utilities Administration (LWUA) dahil sa ‘legal challenges.’

 

“The issue is already being addressed by the government. LWUA has committed to finish the project within four months, or before the end of 2024,” ayon sa Kalihim.

 

Binigyang diin naman ng Pangulo ang pangangailangan ng agarang pagtugon sa mga usapin hinggil sa tirahan ng mga residente na apektado ng Marawi siege.

 

Sa kabilang dako, mayroon namang naging kasunduan ang nakalipas na administrasyon sa ilang pribadong landowners na pansamantalang gamitin ang kanilang property sa loob ng limang taon, habang nakabinbin ang konstruksyon o pagtatayo ng permanent shelters para sa mga Marawi siege victims.

 

“But the contract has already lapsed,” ang sinabi ni Pangandaman.

 

Samantala, ipinag-utos naman ni Pangulong Marcos kay Pangandaman na hilingin sa private landowners kung maaari nitong i-extend ang kontrata para i-accommodate ang mga biktima.

 

Ang naging tugon ni Pangandaman ay “they would work closely with the local government unit (LGU).”

 

Sinabi ng Pangulo na ito ang tamang panahon para sa administrasyon na i-adopt ang mas systematic approach sa Marawi rehabilitation efforts, kasunod ng pagpapalabas ng Administrative Order 14, series of 2023.

 

“The AO institutionalized the recovery, reconstruction and rehabilitation efforts in Marawi City and streamlining of the functions of implementing government agencies involved,” ayon sa ulat.

 

 

 

(Daris Jose)

Other News
  • Kung exciting ang labanan sa pagka-Best Actor: CHARO, makikipagtunggali sa mga first timers sa Best Actress ng ‘Gawad Urian’

    IPINAHAYAG na ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang mga nominado para sa 45th Gawad Urian.   Ang mga nominado sa Best Picture ay Big Night, Ang Historya ni Ha, Kun Maupay Man It Panahon, On The Job: The Missing 8, at Walang Kasarian ang Digmang Bayan.   For Best Director, magkakalaban sina Joselito Altarejos (Walang […]

  • Pasaway sa VisMin Cup Iba-ban sa lahat ng liga

    INUPAKAN din ni Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. president Alfredo Panlilio ang kontrobersyal na laban ng Siquijor Mystics at Lapu-Lapu City sa Visayas Leg ng 1st Pilipinas VisMin Super Cup 2021 elimination round Miyerkoles ng nakraang linggo sa sa Alcantara, Cebu.     Kinampihan din niya ang pasya nitong Linggo ng Games and Amusements Board […]

  • First ‘Agnes’ Trailer and Photos Teases Classic Exorcism Horror Film

    AS the 2021 Tribeca Film Festival ramps up, we’re getting more and more hints at the films featured at the festival, including the upcoming nun horror film Agnes, and will have its world premiere on June 12.     Directed by Mickey Reece, behind indie hits like Climate of the Hunter and T-Rex, Agnes follows a priest-in-waiting and his jaded mentor as […]