St. Benilde ‘di bibitaw sa liderato
- Published on October 2, 2024
- by @peoplesbalita
ANG PANANATILI sa itaas ng team standings ang hangad ng College of St. Benilde sa pagharap sa San Sebastian College-Recoletos sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Lalabanan ng Blazers ang Stags ngayong alas-11 ng umaga kasunod ang banggaan ng Letran Knights at nagdedepensang San Beda Red Lions sa alas-2:30 ng hapon.
Hawak ng St. Benilde ang solong liderato bitbit ang 5-1 record kasunod ang Letran (5-2), Mapua (5-2), Perpetual (4-3), San Beda (3-3), Lyceum (3-4), Emilio Aguinaldo College (3-4), Jose Rizal (2-5), San Sebastian (2-5), Arellano (2-5).
Kaagad nakabangon ang Blazers mula sa unang kabiguan matapos talunin ang Pirates, 103-78, na tumapos sa three-game winning streak ng Lyceum.
Bagsak naman ang Stags sa pang-limang sunod na kamalasan mula sa 72-91 pagyukod sa Cardinals sa huli nilang laro.
Muling aasahan ng St. Benilde sina Allen Liwag, Justine Sanchez, John Mowell Morales, Winston Ynot at Mark Sangco katapat sina Paeng Arce, TJ Felebrico, Nico Aguilar at Harold Ricio ng Baste.
Sa ikalawang laro, puntirya ng Knights ang ikatlong dikit na ratsada sa pagsagupa sa Red Lions.
Umiskor ang Letran ng 82-73 triple overtime win sa Perpetual, habang nagmula ang San Beda sa 70-72 kabiguan sa Arellano.
-
After ma-diagnose na may autism spectrum disorder: AUBREY, ilang projects ang tinanggihan dahil sa anak nila ni TROY na si ROCKET
MAGBUBUKAS daw ng category para sa mga transgenders ang Mutya Ng Pilipinas pageant ayon sa president nito na si Ms. Cory Quirino. Ayon kay Ms. Cory: “That has been my dream. I would like to open a category for them! We should also evolve with the times. Sumabay tayo sa agos ng pagbabago […]
-
Mga hotline para sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024, inilabas ng DOTr
INILABAS na ng Department of Transportation ang mga hotline numbers ng mga attached agencies sa ilalim nito para sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024. Layunin nito na matulungan ang publikong babiyahe pauwi sa kani-kanilang mga probinsya sa nalalapit na long weekend ngayong Holy Week. Ayon sa DOTr, bahagi ito ng […]
-
TAYLOR SWIFT, nagwagi ng Album of the Year sa ‘63rd Grammy Awards’; BEYONCE, naka-break ng record
GINANAP na ang 63rd Grammy Awards sa Los Angeles as hosted by Trevor Noah. Sa Los Angeles Convention Center ang naging venue ng awards night. At dahil sa COVID-19 pandemic, walang audience ang Grammy at ang pinadalo lang ay ang mga performers, nominees and presenters. Mga nag-perform ay sina Bad Bunny, […]