• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Phoenix Suns, ibinenta na ang kanilang G League team sa Detroit Pistons

Pumayag na ang Detroit Pistons na bilhin ang NBA G League team na Northern Arizona Suns mula sa Phoenix Suns.

Inanunsyo ng Pistons, Suns, at ng G League ang nasabing development nitong Huwebes (Manila time).

Sa ngayon, may tinatayo na rin daw na bagong arena para sa koponan sa campus ng Wayne State UNiversity sa Detroit.

Sinabi pa ng Pistons na nangangalap din daw sila ng mga ideya tungkol sa magiging bagong pangalan ng team.

“This is another important investment in our franchise and in the city of Detroit,” wika ni Pistons owner Tom Gores. “Having an NBA G League team near our new performance center will be an advantage for our front office, our coaching staff and our young players.”

Magpapatuloy hanggang sa 2020-21 G League season ang ugnayan ng Pistons at Grand Rapids Drive.

Habang ang Phoenix Suns pa rin ang hahawak sa Northern Arizona team sa loob ng isa pang season.

Other News
  • Umabot sa higit 300K sa loob nang dalawang taon: ALMA, ‘di napigilang i-post ang photo ng kasambahay na nagnakaw

    HINDI napigilan si Alma Concepcion na i-post sa kanyang Facebook account ang photo ng kanilang kasambahay na nagnakaw sa kanila.     Ayon sa former beauty queen, napaamin niya ang kasambahay sa ginawa nito sa kanyang pamilya.     Sa ginawang pag-iimbestiga ni Alma, dalawang taon na raw silang pinagnanakawan ng kanilang kasambahay. Umabot daw […]

  • PDU30, HINDI NAGMAMADALI NA IPAWALANG-BISA ANG VFA

    HINDI nagmamadali si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipawalang-bisa ang Visiting Forces Agreement (VFA)ng Pilipinas sa Estados Unidos.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, maaaring i-postpone ni Pangulong Duterte para sa panibagong anim na buwan ang termination o pagtatapos ng VFA.   “That (VFA termination) has an option of being further extended by another […]

  • Health Sec. Francisco Duque tinurukan na ng COVID-19 vaccine

    Matapos ang halos dalawang buwan ng COVID-19 vaccination rollout sa bansa, naturukan na ng bakuna si Health Sec. Francisco Duque III.     Biyernes  nang mabakunahan ang kalihim ng CoronaVac, ang bakuna ng Chinese company na Sinovac, sa gymnasium ng Department of Health – Central Office na isang vaccination site.     Bago mag-alas-10:00 ng […]