Senator Imee Marcos, naghain na rin ng COC
- Published on October 3, 2024
- by @peoplesbalita
NAGHAIN na rin ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Senator Imee Marcos sa ikalawang araw ng COC filing sa The Manila Hotel Tent City,Oktubre 2.
Si Sen.Imee na pag-19 na sa mga Senador na naghain ng COC, sa ilalim ng dating Partido Nacionalista at hindi kaalyado ng anumang pangkat, sektor o grupo .
“Pumila ako sa ilalim ng dating partido nationalista, hindi kaalyado ng anumang pangkat sektor grupo. Tinataya kong mananatiling malaya at matatag”, pahayag ni Sen. Marcos sa media interview .
Paliwanag ng senadora, minabuti niyang hindi na makipag-alyado dahil baka magkaroon ng kulay .
Bagama’t hindi nakipag-alyado ang senadora sa administrasyon o sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr, inihayag nito na suportado at naiintindihan pa rin naman aniya siya ng Pangulo.
Sa katanungan naman kung tatanggapin nito ang posibleng endorsement ni VP Sara Duterte– sinabi ng senadora na hindi pa nila mapapag-usapan ito dahil pinili niya maging malaya at matatag at piliin ang Sambayang Pilipino na nagbigay ng mainit na suporta sa kanyang muling pagtakbo .
Nagpasalamat din ito sa kanyang ina na si dating first lady Imelda Marcos dahil sinamahan siya sa kanyang paghahain ng kanyang kandidatura.
“Inaasahan ko yung suwerte at wisdom niya sa pulitika ay mapasaatin”, ani Send.Imee.
Kasama rin ang kanyang anak na si Borgy Manotoc sa kanyang pagsusumite ng kanyang kandidatura. GENE ADSUARA
-
Face to face classes, maaaring ilimita sa ilang oras lamang-Sec. Roque
MAAARING ilimita lamang sa ilang oras ang face-to-face classes sakali at aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pilot testing ng “in-person classes” sa mga lugar na may low risk ng COVID-19 transmission. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakatakdang magpulong sina Pangulong Duterte at ang gabinete nito ngayong Lunes, Pebrero 22 kung […]
-
PBBM, ipinag-utos sa DPWH na lutasin ang problema sa pagbaha sa NLEX sa Gitnang Luzon
KASUNOD nang pagbisita sa mga lugar na binaha sa Bulacan at Pampanga, inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na kaagad na gumawa ng aksyon kaugnay sa mga alalahanin ng mga residente partikular na sa pagbaha sa mga kalsada tungo sa mga lalawigan. Sinabi ni […]
-
2 illegal na nagbebenta ng wildlife, timbog sa Maritime police
DALAWANG katao na illegal umanong nagbebenta ng wildlife ang nalambat ng mga tauhan ng Northern NCR MARPSTA sa magkahiwalay na entrapment operation sa Tondo Manila at Quezon City. Ayon kay Northern NCR MARPSTA Chief P/Major Randy Veran, ikinasa ng kanyang mga tauhan ang entrapment operasyon, kaugnay sa All Hands Full Ahead […]