• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Face to face classes, maaaring ilimita sa ilang oras lamang-Sec. Roque

MAAARING ilimita lamang sa ilang oras ang face-to-face classes sakali at aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pilot testing ng “in-person classes” sa mga lugar na may low risk ng COVID-19 transmission.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakatakdang magpulong sina Pangulong Duterte at ang gabinete nito ngayong Lunes, Pebrero 22 kung saan ay pag-uusapan kung papayagan na nga ba ang in-person classes.

 

“Hindi naman sinabi na palibhasa face to face yan po ay 8 hours 5 days a week. Pwede naman one hour per week, 3 hours per week, basta meron lang pong kombinasyon ng module, ng computer-aided at saka face to face kung kinakailangan makipag-ugnayan sa mga guro,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Yan po ay pag-uusapan,  sa press breifing ipinaliwanag ni Sec. Leonor Briones na ito naman ay naunang naaprubahan ng IATF bagama’t panandaliang tinigil natin dahil pumasok ang new variant. Pero ngayong naintindihan na natin ang new variant na ito at mukha namang wala tayong community transmission sa new variant eh bubuhayin muli ang pag-uusap tungkol sa face to face. Dahil gaya ng sinabi ni Sec. Briones parang tayo na lang ang bansa na wala pang face to face sa buong mundo,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna rito, sinuspinde ni Pangulong Duterte ang pilot testing ng in-person classes bunsod ng bago at mas nakahahawa na COVID-19 variant na nakumpirma sa ilang bahagi ng bansa.

 

“Pero sa tingin ko po, alam na natin ang anyo ng bagong variant ngayon, mas nakakahawa. Pero alam din po natin ang kasagutan sa bagong variant na ‘yan mas maigting na mask, hugas at iwas.

 

Nauna rito, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na tanging ang Pilipinas na lamang ang naiiwan sa mga bansa sa Southeast Asia na hindi pa bumabalik sa face-to-face classes.

 

Ayon sa Kalihim, ang face to face sa ibang bansa ay “contextualized” kung saan may iba aniya na may isang oras sa isang linggo habang ang iba naman aniya ay dalawang araw. Depende aniya sa situwasyon.

 

Magkagayon pa man ay naghahanda pa rin ang DepEd sa pagdating ng panahon na i-lift o bawiin na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang deferment ng pilot studies ng Pilipinas.

 

Sa ngayon ay masasabing maraming kondisyon ang dapat na ikunsidera gaya ng kailangang pumayag ang local government na gumawa ng face-to-face sa kanilang teritoryo dahil teritoryo ng mga ito iyon at saka malaki aniya ang mga investment ng mga local government sa mga eskuwelahan. Kailangan na may consent ng mga ito. Eliminated  ang NCR sa isinama nila na 1,000 schools dahil hindi naman ito sumasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ). (Daris Jose)

Other News
  • 16 organisasyon iniuugnay sa Reds bilang ‘terror groups’

    PINANGALANAN ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang 16 na underground organizations na iniuugnay sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bilang grupong terorista.     Sa Resolution No. 288 (2022) na may petsang Enero 26 at nilagdaan ni ATC vice chairperson at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., may nakitang probable cause ang ATC […]

  • Gagawin ang lahat para walang maiwang gutom at mayroong magandang kalidad ng buhay

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mamamayang Filipino na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat upang walang maiwan kahit na isang nagugutom at ine-enjoy ng lahat ang kanilang mas maayos na kalidad ng buhay.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa pagdiriwang ng ika-56 founding anniversary ng lalawigan ng Davao del […]

  • Request ng mga netizen, ‘di sana romcom: Reunion movie nina SARAH at JOHN LLOYD, kasado na

    KASADO na nga ang balik-tambalan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.   Kinumpirma nga ito ng Viva Artists Agency (VVA) na magkakaroon ng reunion movie ang blockbuster tandem na #AshLloyd     Sa official Instagram account ng VVA pinost nila ang photos nina Sarah at John Lloyd sa Viva office.     May caption […]