• October 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Caloocan LGU, pinalakas ang partnership sa local cooperatives

PINANGUNAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, sa pamamagitan ng Cooperative Development and Coordinating Division (CDCD), ang pagdiriwang ng taunang Cooperative Month ngayong Oktubre na may iba’t ibang aktibidad na nakahanay upang kilalanin ang mga kontribusyon ng mga kooperatiba sa paglago ng ekonomiya ng lungsod, tulungan sila sa mga kinakailangan para sa pagpaparehistro sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, at pagbutihin pa ang kanilan mga kakayahan sa pamamahala at pananalapi.

 

 

 

Sinimulan ang mga aktibidad sa Motorcade, Salu-salo, at Coop Singing Content na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa mga rehistradong kooperatiba ng lungsod, habang ang Mandatory Trainings at ang Recognition of Top Performing Cooperatives ay gaganapin sa mga susunod na linggo.

 

 

Pinuri ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang lahat ng miyembro at opisyal ng mga lokal na kooperatiba na nakilahok sa mga inisyal na aktibidad ng CDCD at iba pang mga programa upang matiyak na ang bawat kooperatiba ay magiging kapaki-pakinabang sa kani-kanilang mga miyembro at komunidad.

 

 

“Maraming-maraming salamat po sa CDCD at sa lahat ng mga bumubuo ng mga kooperatiba sa ating lungsod. Para sa inyo po ang mga programang nakalatag ngayong Coop Month at titiyakin natin na matutulungan kayo ng pamahalaang lungsod sa inyong mga pangangailangan,” ani Mayor Along.

 

 

“Batid ko po na mayroong mga maliliit at mga nagsisimula pa lamang na kooperatiba sa ating lungsod, kaya naman po patuloy pa nating palalakasin ang ating mga programa upang matutukan natin ang paglago ng inyong mga samahan,” dagdag niya.

 

 

Hinikayat din niya ang pangkalahatang publiko na suportahan ang mga lokal na kooperatiba sa kanilang mga pagsisikap. (Richard Mesa)

Other News
  • Kasama ang buong pamilya ni Cong. Jay: AIKO, sa Japan magpa-Pasko at may nag-iisip kung doon sila ikakasal

    DAHIL sa Japan sila magse-celebrate ng Pasko, may katanungan sa isip ng mga netizens; doon na rin kaya magaganap ang kasalang Aiko Melendez at Jay Khonghun? Taun-taon mula noong nagkaroon sila ng relasyon ay sa ibang bansa idinaraos nina Aiko at Jay ang Pasko, at ngayon nga ay sa Japan ang kanilang destinasyon. Buong pamilya […]

  • 2nd dose ng COVID-19 vaccine kailangan para sa full protection

    Importanteng makumpleto sa takdang araw ang ikalawang dose ng bakuna laban sa COVID-19 upang magkaroon ng “full protection,” ayon kay Dr. Edsel Salvaña ng Department of Health.     Nilinaw ni Salvaña na hindi kailangang ulitin ang unang dose sakaling mahuli ang pagpapaturok ng ikalawang dose pero mas maganda aniya na maibigay ito “on time.” […]

  • Legarda mainit na tinanggap sa Ilocos Sur

    TUMULAK patungong Ilocos Sur kahapon si House Deputy Speaker at UniTeam senatorial bet Loren Legarda upang muling hingin ang basbas ng lalawigan kung saan tatlong ulit siyang naging number one senator sa mga nagdaang halalan.     Sa kanyang pagbisita sa lalawigan, nangako si Legarda na ipagpapatuloy ang mga programang magbibigay ng trabaho, livelihood assistance […]