Statement ni Tiangco, campaign manager ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas
- Published on October 3, 2024
- by @peoplesbalita
NAGLABAS ng pahayag si Navotas Congressman Toby Tiangco na tumatayo bilang campaign manager ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas hinggil sa naging pasiya ni Senator Imee Marcos na magsarili sa muling pagtakbo bilang Senador sa Mayo 2025 election.
“Malaki ang respeto at paghanga natin kay Sen. Imee Marcos, lalo na sa kanyang mga adbokasiya at track record sa serbisyo publiko. Naniniwala ang Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa kakayahan niyang maglingkod nang tapat sa mga Pilipino,” pahayag ni Cong. Tiangco.
“Patuloy na susuporta ang Alyansa kay Sen. Imee para sa tagumpay ng legislative agenda ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. para sa kaunlarang walang maiiwan at para sa magandang kinabukasan nating lahat,” dagdag pa niya.
Sa naunang pahayag ni Sen. Imee Marcos, nagpasalamat siya sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pagkakataong mapabilang siya hanay ng mga tatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ng administrasyon bagama’t mas pinili aniya niya na tumayong mag-isa upang hindi makaragdag sa mahirap na kalagayan ang kanyang nakababatang kapatid.
Pinasalamatan din ng Senador ang kanyang kapatid sa patuloy na pagtatanggol sa kanya sa kabila ng galit at matinding kalupitan ng iilan. (Richard Mesa)
-
Penitential walk ng mga pari sa Archdiocese of Manila, hindi isang political rally
Binigyang diin ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church na tanging mga Pari lamang ng Archdiocese of Manila ang kabilang sa Penitential Walk sa unang araw ng Hunyo na idineklara din bilang ‘Day of Prayer and Fasting’ sa arkidiyosesis. Ayon kay Rev. Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng […]
-
American swimmer Anita Alvarez nawalan ng malay habang nasa kumpetisyon
NILIGTAS ng kanyang coach si American swimmer Anita Alvarez matapos na mawalan ng malay sa ilalim ng swimming pool habang ito ay nakikipagkumpetensiya sa FINA World Aquatic Championships s Budapest, Hungary. Mabilis na tumalon sa pool si Coach Andrea Fuentes para iligtas ang 25-anyos na si artistic swimmer ng ito ay lumubog sa […]
-
PDU30, kinastigo si Gordon nang tawagin siyang “cheap politician”
KINASTIGO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senador Richard Gordon matapos siyang tawagin nitong “cheap politician” sa gitna ng patuloy na pagdepensa ng Chief Executive sa emergency purchases na may kinalaman sa COVID-19 pandemic. Sa kanyang Talk to the People, inulit ng Pangulo ang kanyang akusasyon laban kay Gordon na ginagamit ang Philippine Red […]