Chinese national na wanted ng trafficking, nasabwat sa NAIA
- Published on October 3, 2024
- by @peoplesbalita
NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese man na wanted para ipa-deport ng ahensiya dahil sa pagkakasangkot sa human trafficking at prostitution.
Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang nasabat na si Du Shuizhong, 51, sa NAIA terminal 1 habang papasakay ng Air China flight patungong Chengdu, China.
Si Du ay hindi pinayagang makalabas ng bansa at inaresto at dinala sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Sinabi ni Viado, na pababalikin lamang si Du sa China alinsunod sa deportation order na inisyu ng BI board of commissioners laban sa kanya dahil sa pagiging undesirable alien.
Ilalagay din siya sa blacklist at pagbabawalan na siyang muling makapasok ng bansa.
Base sa datos, si Du ay dati nang kinasuhan ng Bi dahil sa pagiging undocumented at pagiging undesirability matapos itng nasangkot sa prostitution at labor exploitation.
Mananatili siya sa BI facility hanggang sa implementasyon ng kanyang deportasyon. GENE ADSUARA
-
Miller ready nang sumabak sa Beijing Winter Olympics
HANDANG-handa na si Fil-American Asa Miller para sa kanyang ikalawang pagsabak sa Winter Olympic Games sa Beijing, China. Lalahok si Miller, nasa kanyang ikalawang sunod na Winter Olympics appearance, sa men’s Giant Slalom sa Pebrero 13 at sa Slalom event sa Pebrero 16. “Talagang he dedicated himself full time just to […]
-
August 30 idineklara ni Duterte bilang ‘National Press Freedom Day’
NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ang ilang batas na nagdedeklara sa petsang August 30 bilang “National Press Freedom Day”. Ito ay bilang pagkilala kay Marcelo H. del Pilar, ang ama ng Philippine Journalism, na kilala rin sa kanyang pen name na “Plaridel” na isinilang noong August 30, 1890. Sa […]
-
Mula sa nakatatakot na si Padre Salvi: JUANCHO, level-up ang pagiging kontrabida sa ‘Maging Sino Ka Man’
MULA sa nakatatakot na pagganap bilang si Padre Salvi sa ‘Maria Clara At Ibarra’, muling katatakutan si Juancho Triviño sa bagong role niya as Gilbert sa Kapuso special series na ‘Maging Sino Ka Man.’ Sey ni Juancho ay mag-level up pa ang inis ng mga tao sa bagong kontrabida character niya dahil gusto […]