• October 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suspek sa textbook procurement, arestado ng NBI

ARESTADO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek sa P24 milyong textbook procurement anomaly noong 1998 na una nang itinuturing na patay.

 

Si Mary Ann Maslog ay inaresto noong September 25 matapos makatanggap ng reklamo tungkol sa isang Jessica Francisco .

 

Sa imbestigasyon nadiskubre ng awtoridad na si Maslog at Francisco ay parehong tao sa pamamagitan ng fingerprint matching.

 

“As far as she is concerned, ang alam ng Sandiganbayan, patay na siya. Pero noong may magreklamo sa amin about Dr. Jessica Francisco…we found out that Mary Ann Maslog and Jessica Francisco are the one and the same person,” sabi ni NBI Director Jaime Santiago.

 

Kinasuhan si Maslog na publishing company agent at dalawang opisyal ng Department of Education, Culture, and Sports (na ngayon ay Department of Education) ng graft na my kaugnayan sa scam.

 

Nauna nang sinabi ng Office of the Ombudsman na ang dalawang opisyal ng DECS ang nagproseso at nag-apruba ng mga dokumento ng P24-million supply contract para sa mga textbook na pabor sa Esteem Enterprises na kinatawan ng Maslog.

 

 

Ang dalawang dating opisyal ng edukasyon ay sinentensiyahan ng hanggang 10 taong pagkakakulong noong 2020. Habang ang kaso laban kay Maslog ay iniutos na i-dismiss dahil sa umano’y pagkamatay nito noong 2019. GENE ADSUARA

Other News
  • Alice Guo ‘spy’ ng China, iimbestigahan ng DILG-PNP

    INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lumutang na alegasyon na isang espiya ng China ang nadismis na si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.     “Definitely DILG-PNP [Department of the Interior and Local Government-Philippine National Police] should investigate these allegations,” pahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos.     Lumutang […]

  • DBM, aprubado ang pagbili ng DOH ng 173 medical vehicles

    PINAGKALOOBAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang Department of Health (DOH) ng P454 milyon para sa pagbili ng 173 medical vehicles.   Sa katunayan, inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman noong Oktubre 17 ang pagpapalabas ng Authority to Purchase Motor Vehicle (APMV) para sa DOH.   Sinabi ng DBM na pinahihintulutan ng APMV […]

  • Estados Unidos, suportado ang panawagan ng Pinas kontra sa agresibong pagkilos ng China sa West Philippine Sea

    SUPORTADO ng Estados Unidos ang  serye ng protesta ng Pilipinas laban sa nakagagalit na aksyon ng China sa  West Philippine Sea partikular na ang ginawang panghaharang ng China sa mga Filipino sa  resupply missions nito at pagpapadala ng  200  militia vessels sa reef na sakop ng Pilipinas.     “We share the Philippines’ concerns regarding […]