• October 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasama sina Maine, Julie Anne at PPop group na Alamat: BingoPlus, inilunsad ang pinakabagong digital perya game na ‘Pinoy Drop Ball’

 

IPINAKILALA ng BingoPlus, ang nangungunang plataporma ng bansa pagdating sa digital entertainment, ang pinakabagong perya game nito na ‘Pinoy Drop Ball’ sa isang selebrasyong puno ng mga kilalang personalidad noong Linggo, Setyembre 29, sa Grand Hyatt Manila.

 

Tampok sa paglulunsad ang mga pagtatanghal mula sa BingoPlus endorser at TV host Maine Mendoza, at ilan pang mga bisita na sina Julie Anne San Jose at ang Alamat, mga kilalang idol sa PPop.

 

Ang nakasasabik na bagong palaro mula sa BingoPlus ay tinaguriang “homegrown creation” o nilikha ng mga Pinoy para sa mga Pinoy, upang ibalik ang pakiramdam ng karanasang perya na kilala at mahal ng mga Pilipino, sa paraang dinamiko at bago na BingoPlus lamang ang makapagbibigay.

 

Kalahok na ang Pinoy Drop Ball sa popular na mga digital na laro ng DigiPlus, gaya ng Bingo, Tongits, at Perya Games. Nararapat banggitin na ang Pinoy Drop Ball ang kauna-unahang live-streamed na drop ball game sa Pilipinas, at nagtatakda ito ng panibagong pamantayan sa digital perya gaming sa bansa.

 

Higit sa pagiging isang panibagong laro, sinasalamin ng Pinoy Drop Ball ang malalim na pagkilala ng DigiPlus as tunay na kagustuhan ng mga Pilipinong manlalaro–awtentiko at nakaugat sa kulturang mga laro na nakikipagtambal sa bentahe ng teknolohiya.

 

“As a brand deeply rooted in Filipino culture, it has been our mission to elevate traditional Pinoy entertainment and bring this experience to the modern age. Like our well-loved Filipino games Bingo Mega, Color Game, and Papula Paputi, Drop Ball promises to reignite your excitement and engage you further in the BingoPlus platform,” pahayag ni DigiPlus Interactive Corp. Chairman Eusebio H. Tanco.

 

“Drop Ball is another leap forward in this mission, as BingoPlus continues to bridge offline traditions with modern technology, creating a more seamless and exciting experience for all.”

 

Kaya kakaiba ang Pinoy Drop Ball ay dahil naglalatag ito ng nakasasabik na pagkakataon na manalo ng malaki mula sa mga multiplier. Kasabay ng pakiramdam na naglalaro ng isang perya game, nakikipaglaban din ang mga manlalaro para sa mga premyo.

 

Sumusunod ang Pinoy Drop Ball sa mga payout rule para sa anim na betting area. Kung ang card na hawak ay may iisang bola, makatatanggap ang manlalaro ng 2x payout, at kung dalawa naman ang bola, mayroong 3x payout.

 

Samantala, kung tatlong bola ang tatama sa isang card, papasok sa Pachinko round ang laro, at mabibigyan ng tsansa ang mga manlalaro sa mas malaking papremyo. Itong bonus round na ito ay magbubukas ng 15 na slot na may 10, 50, 100, hanggang 200 na multiplier, na lumilikha ng mas kapana-panabik na danas bilang manlalaro. Tinatayang 40 beses maaaring mangyari ang triple cards na ito. Dahil naka-live stream 23/7, damang-dama ng mga manlalaro ang pagiging kalahok, nasaan man sila, ano mang oras ng araw.

 

Nagbunga naman ang lahat ng pagsusumikap na ito, nang dumaan sa testing at naging lisensyado ng PAGCOR. Sinukat ang mga mesa upang masiguro ang katatagan nito habang naglalaro, at tinimbang din ang mga bola at nilikha upang konsistente ang maging gameplay.

 

Bawat inspeksyon ng mga kagamitan at ng laro ay maiging inobserbahan ng mga opisyal ng PAGCOR upang garantisadong tapat ang resulta ng bawat round, at sumusunod sa istriktong regulasyon. Dagdag pa rito, magpapalit ng host ang BingoPlus kada 30 minuto upang bigyang-konsiderasyon ang iba-ibang paraan na inihahagis ang bola.

 

Sa paglulunsad ng Pinoy Drop Ball, ipinagpapatuloy ng BingoPlus na baguhin at pagandahin ang danas ng mga Pinoy sa mga laro na minahal nila nang ilang henerasyon.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • 7 pinay na biktima ng human trafficking, nasabat ng immigration

    PINIGIL ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino Intrnational Airport (NAIA) ang pito na mga babaeng Pinay na makalabas ng bansa patungong United Arab Emirates dahil sa hinalang mga biktima sila ng human trafficking.   Sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ng BI’s travel control and enforcement unit (TCEU) na […]

  • Sa ISTAF indoor meet Obiena target ang podium finish

    MANILA, Philippines — Sasabak si national pole vaulter Ernest John Obiena sa kanyang kauna-unahang international tournament ngayong taon.     Dumating na ang Tokyo Olympian sa Berlin, Germany para sa paglahok niya sa Istaf Indoor competition bagama’t kagagaling lamang niya sa isang knee surgery noong nakaraang buwan.     “There was a slight delay in […]

  • DE CASTRO, NANUMPA SA AKSIYON DEMOKRATIKO

    NANUMPA na rin bilang miyembro ng Aksyon Demokratiko ang dating pangalawang pangulo ng bansa at announcer Noli de Castro.       Pinangunahan naman ang oath taking ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na tumatakbo naman bilang presidente sa 2022 elections.       Nakatakdang maghain ng kanyang kandidatura sa Harbor Garden Tent Sofitel si […]