• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Leni ‘di tatakbong Pangulo sa 2028

KASABAY ng kanyang paghahain ng kandidatura sa pagka-mayor sa Naga City, nilinaw ni dating Vice President Ma. Leonor “Leni” Robredo na hindi na siya tatakbong muli bilang Pangulo ng bansa sa 2028 national elections.

 

Sinabi ni Robredo na sakaling manalo siya bilang mayor ng Naga City, hindi niya gagamitin ito bilang “jumpoff point” sa pagtakbo naman sa 2028.
“Tingin ko magiging unfair para sa city if gagamitin ko lang pagiging mayor bilang jumpoff point. Hindi ako magiging effective mayor kung ang iniisip ko lang ay ‘yung 2028,” pahayag ni Robredo.

 

Dakong alas-10 ng umaga kahapon ng dumating si Robredo sa Comelec-Naga City Office na sinamahan ni election lawyer Atty. Romeo Maca­lintal, at buong line up nito para maghain ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-alkalde ng nasabing lungsod sa ilalim ng Libe­ral Party na tinanggap ni Comelec officer Atty. Maico Julia, Jr.

 

Kasama rin ni Robredo na naghain ng COC ang ka-tandem na si Camarines Sur 3rd district Cong. Gabriel “Gabby” Bordado na patapos na sa huling termino at target naman ang vice mayoral position sa Naga City. (Daris Jose)

Other News
  • Jimmy Butler, wala pang plano sa pagtatapos ng kanyang kontrata sa Miami

    WALA pang plano si NBA star Jimmy Butler kung aalis o mananatili siya sa Miami Heat sa susunod na taon.     Sa media day ng Heat ilang araw bago ang opisyal na pagsisimula ng bagong season ng NBA, natanong si Butler kung ano ang kanyang plano sa Miami sa susunod na taon.     […]

  • P66.2M cash benefit para sa centenarians, walang pondo sa ilalim ng 2023 proposed budget — Tulfo

    WALANG pondo na mahuhugot para sa P66.2 million budget para sa cash benefit ng 662 milyong  Filipinong centenarians sa ilalim ng panukalang 2023 national budget.     Sinabi ni Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo sa isinagawang  House appropriations panel hearing ukol sa panukalang P194 billion budget ng DSWD para sa 2023, […]

  • Nag-amok na adik, utas sa umawat na pulis

    DEDBOL ang sinasabing drug adik matapos barilin ng rumespondeng pulis na inundayan niya ng saksak nang tangkain siyang awatin habang nagwawala kahapon (Biyernes, Marso 6) ng umaga sa Malabon City.   Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, alas-7:40 ng umaga nang magsimulang mag-amok at sugurin ng saksak ng suspek na si Alvin Calpo, […]