Tatanggi sa COVID-19 testing sa Malabon huhulihin, kakasuhan
- Published on July 31, 2020
- by @peoplesbalita
Huhulihin at kakasuhan ang mga indibiduwal na tatanggi sa mass testing na ipinatutupad ng Malabon City.
Batay sa napagkasunduan ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (MCTF-MEID) huhulihin at ikukulong ang mga ayaw magpa-test particular ang mga kasama sa contact tracing at natukoy ng mga Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs).
Ayon kay City Administrator at MCTF-MEID Member Atty. Voltaire dela Cruz, dalawang batas ang gagamitin upang istriktong ipatupad ang mass testing. Isa ay ‘Disobedience to a Person in Authority’ o pagsuway sa awtoridad sa ilalim ng Revised Penal Code.
Maaari ring kasuhan ang sinumang tatangging magpa-test ng ‘Non-cooperation’ ayon sa Republic Act No. 11332 o ‘Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act’.
Ani dela Cruz, kailangan na nilang higpitan ang implementasyon sa COVID testing upang malabanan ang pagkalat ng nasabing virus.
Sa ilalim ng mga nasabing batas, hindi maaaring tumangging makipag-tulungan sa mga kinauukulan ang mga taong natukoy na apektado ng sakit.
Aniya, hindi maaaring gamiting depensa ang “Data Privacy Act of 2012” upang tumangging magpa-test, dahil pinapayagan ng batas ang paggamit ng personal na impormasyon upang tugunan ang isang national emergency, sumunod sa mga pangangailangan ng kaayusan at kaligtasan, o tuparin ng awtoridad ang kanilang tungkulin.
Isa ang mass testing sa mga natukoy na epektibong gawin upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19. Kasama nito ang contact tracing, isolation, at treatment. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Pres. Duterte tinawag na bayani si Duque sa paglaban sa COVID-19
Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III bilang bayani ng bansa sa paglaban sa COVID-19. Sa national address nitong Lunes ng gabi sinabi nito na nagiging maganda ang paglaban ng bansa sa nakakamatay na virus kung ikukumpara ito sa ibang mga bansa. Hindi rin […]
-
PDu30, tatalakayin sa kanyang successor ang problema ukol sa illegal na droga sa bansa
MAGDARAOS ng isang pulong o miting si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang successor para pag-usapan ang drug menace na patuloy na malaganap sa bansa. Sa kanyang Talk to the People, araw ng Martes, sinabi ng Pangulo na hihilingin niya sa susunod na Pangulo ng bansa na ipagpatuloy ang kanyang anti-narcotics drive dahil […]
-
DA naghahanda sa ‘worst case scenario’ sa suplay ng bigas dahil sa El Niño
TINIYAK ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary at deputy spokesman Rex Estoperez na pinaghahandaan na ng pamahalaan ang anumang ‘worst-case scenario’ pagdating sa suplay ng bigas, bunsod na rin ng banta ng El Niño phenomenon. Ayon kay Estoperez, tinatrato ng DA ang El Niño, gaya rin ng iba pang kalamidad, dahil ang […]