Paglilinis ng mga nitso sa Maynila hanggang Oktubre 25
- Published on October 8, 2024
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ni Manila Mayor Honey Lacuna ang publiko na agahan ang paghahanda para sa nalalapit na paggunita ng Undas.
Ayon kay Lacuna, ang deadline para sa paglilinis ng mga puntod at nitso ay hanggang sa Oktubre 25, 2024 o anim na araw pa bago ang Nobyembre 1 at 2.
Kasabay nito, inatasan ng alkalde ang Manila North Cemetery (MNC) na agahan din ang paglalabas ng iskedyul para sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Ani Lacuna, sa ganitong paraan ay makapaghahanda ang mga bibisita ng mas maaga, dahil ang MNC na pinamumunuan ni Director, Yayay Castaneda ang pinakamalaking sementeryo sa bansa at may pinakamaraming bumibisita tuwing Undas.
Batay sa inilabas na paabiso ng tanggapan ni Castaneda, ang mga may mahal sa buhay na nakalibing sa nasabing sementeryo ay maaaring maglinis, magpintura ng mga puntod at nitso hanggang Oktubre 25. Matapos umano ang naturang petsa ay hindi na papayagan pa ang sinuman na maglinis ng puntod.
Samantala, suspendido naman ang cremation hanggang matapos ang Oktubre 28 habang ang tanggapan ng MNC ay sarado mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 3, 2024.
Inaasahan sa Nob. 4 ay magbabalik na ang lahat ng serbisyo, kabilang ang cremation at libing.
Mula Oktubre 24 hanggang Nob. 4, ang main gate ng MNC ay bukas mula alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-5:00 ng hapon. (Gene Adsuara)
-
PLM tops Physician Licensure Exam, alumnus lands 5th place
The Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) celebrates the strong performance of its alumni from the College of Medicine who passed the October 2021 Physician Licensure Examination. PLM logged the highest passing rate among all medical schools with a 98.06% passing rate, as 101 of its 103 test takers making the cut. […]
-
4 miyembo ng gabinete, sasabak sa Senate race sa ilalim ng PDP-Laban Cusi faction’
MAY apat na miyembro ng gabinete ang sasabak sa senatorial bids sa 2022 national elections sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) faction sa pangunguna ni Energy Secretary Alfonso Cusi. Araw ng Lunes nang kumpirmahin ni Cusi ang mga tatakbo bilang senador sa katauhan nina presidential spokesperson Harry Roque, presidential legal counsel […]
-
MMDA, ipinag-utos ang 5-day closure ng mga sementeryo
NAGKAISA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at ang mga Alkalde ng National Capital Region na irekomenda ang pansamantalang pagsasara sa lahat ng sementeryo at public memorial parks para maiwasan ang pagsipa ng Covid-19 cases bago at sa panahon ng All Saints’ Day at All Souls’ Day. Inaprubahan ng Metro Manila Council, kinabibilangan ng […]