PNP diplomatic channel sisilipin sa umano’y paggamit ni Garma sa pagpapadala ng milyon sa ex-hubby sa US
- Published on October 8, 2024
- by @peoplesbalita
SISILIPIN ng House quad committee ang paggamit umano ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma sa diplomatic channel ng Philippine National Police (PNP) upang makapagpadala ng milyong halaga sa kanyang dating mister na dati ay nakatalaga sa Estados Unidos.
Nananatili pa ring palaisipan sa quad comm kung bakit magpapadala ng malaking halaga si Garma sa dati nitong asawa na si Police Colonel Roland Vilela.
Sa pagdinig ng komite noong Setyembre 27, lumabas ang mga ebidensya kaugnay ng umano’y paggamit ng diplomatic pouch ng PNP upang makapagpadala ng malaking halaga kay Vilela noong ito ay isang police attaché sa Philippine Consulate General sa Los Angeles, California sa pagitan ng 2020 at 2022.
Ang PNP diplomatic pouch ay ginagamit para sa opisyal na komunikasyon at suweldo ng attaché.
Sa pagtatanong ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop sa mga opisyal ng PNP kabilang ang dating hepe ng Directorate for Intelligence bago naging PNP Chief na si Benjamin Acorda Jr., lumabas na posibleng magamit sa personal na interes.
Ayon kay Acorda may mga pagkakataon na kakailanganin ng dagdag na pera ng police attache at maaari itong idaan sa diplomatic pouch.
Tinanong din ni Acop kung maaaring gamitin ang diplomatic pouch sa personal transfer na kunwari ay isang opisyal na padala.
Sagot ni Acorda ay pwede rin.
Tinanong din ni Acop si Vilela kung mayroon itong tinanggap na pera sa diplomatic pouch bukod sa kanyang opisyal na sahod.
Inusisa rin ni Acop si Police Captain Delfinito Anuba na inuutusan umano ni Vilela at siyang nagpapalit ng peso para maging dollar na ipinadala sa kanya sa US.
Ayon kay Anuba inutusan siya ni Vilela upang magpapalit ng pera.
Sinabi ni Anuba na ang peso ay ibinigay sa kanya ni Sergeant Enecito Ubales Jr. upang ipapalit.
Hindi pa natutukoy ng komite kung para saan ang perang ipinadala kay Vilela at patuloy ang ginagawa nitong pangangalap ng dokumento at impormasyon.
Si Garma ay naging sentro ng imbestigasyon dahil sa pagiging malapit umano nito kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang papel sa implementasyon ng madugong war on drugs ng nakaraang administrasyon.
Sinabi ng self-confessed DDS hitman Arturo Lascañas na si Garma ay isa sa mga unang miyembro ng DDS at lider umano ng isang grupo ng mga hitmen.
Nakikipag-ugnayan si Lascañas sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng imbestigasyon nito sa war on drugs ni Duterte.
Itinanggi ni Garma ang mga alegasyon laban sa kanya. (Daris Jose)
-
Petecio, Paalam swak sa Summer Olympic Games
TUMAAS na sa anim ang mga magiging pambato ng bansa para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ginambala ng Covid-19 kaya naurong sa parating na Huly 23-Agosto 8 sa pagkakapasok na rin nina women’s featherweight Nesthy Petecio at men’s flyweight Carlo Paalam bunsod sa mataas na world rankings. Ipinaaalam […]
-
Duterte, tiniyak ang tulong sa pamilya ng mga nasawing sundalo sa C130 plane crash
Personal na binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Zamboanga City kung saan doon inihatid ang mga nasawi at sugatang sundalo dahil sa pagbagsak ng kanilang C-130 transport plane nitong nakalipas na Linggo. Nangako rin ang pangulo sa mga kaanak ng mga nasawing sundalo para sa ibibigay na mga tulong. Bilang aniya […]
-
83 milyong pa lang ng SIM cards ang narerehistro
INIULAT ng National Telecommunications Commission (NTC) na umaabot pa lamang sa halos 83 milyon ang mga SIM cards na nairehistro na sa ilalim ng SIM Card Registration Act. Ito ay ilang araw na lamang bago ang deadline ng rehistro sa Abril 26, 2023. Hanggang nitong Abril 23, 2023, nasa 82,845,397 na […]