Balik Maynila si Yorme… Isko Moreno, nag-file ng COC bilang kandidatong Mayor
- Published on October 9, 2024
- by @peoplesbalita
NAGHAIN ng Certificate of Candidacy (COC) si dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso para sa kanyang muling pagbabalik bilang alkalde ng lungsod ng Maynila.
Kasamang naghain ng COC si Yorme ng kanyang pamilya kung saan tumatakbo ring city councilor si Joaquin Domagoso sa unang Distrito ng Maynila .
Kasabay din ni Yorme ang kanyang magiging bise alkalde na si Chie Atienza na naghain ng COC at iba pa nilang mga kaalyadong konsehal.
Sa panayam, iginiit ng dating alkalde ng Maynila na ang kanyang pagbabalik ay dahil sa kagustuhan ng taumbayan at nang batang Maynila na muli siyang bumalik.
Sa kanyang pagbabalik sakaling palarin muling maging ama ng lungsod ay unang-una niyang gagawin na ibalik ang mga nawala o natigil na mga pribelehiyo lalong na sa mga senior citizens.
Sinabi rin ni Yorme na ipamimigay na niya ang tatlong vertical housing program na kanyang sinimulan noong siya ang alkalde ng Maynila kabilang rito ang Pedro Gil Residence, San Lazaro Residence at San Sebastian Residence.Ito ay parehong 20 storey condominium unit.
Ikinalungkot at pinagtataka rin ni Yorme na maging ang hospital sa Baseco ay hindi pa rin binubuksan hanggang ngayon .
“Tatlong taon nang tapos yun eh– nagtataka ako bakit hindi nabubuksan eh, it took 3 years until now– eh bago tayo umalis eh gawa na ‘yun. Nalulungkot lang ako because these are under our program “, pahayag ni Domagoso .
Samantala, sa kanyang pagsabak sa pulitika sa Maynila tiniyak naman ni Vice mayor aspirant Chie Atienza na kayang-kaya niyang pagkaisahin ang Konseho ng Maynila sa pamamagitan ng paggawa ng isang dynamic group para sa mga programa na susuporta sa alkalde.
Ang pahayag ng vice mayor aspirant ay makaraang tanungin ng media kung mapagkakaisa nito ang Konseho matapos ang nangyari kaguluhan sa sesyon nitong mga nakaraang buwan . GENE ADSUARA
-
4 TSINONG MANDARAGAT, DINAMPOT NG MARITIME GROUP
INARESTO ng Maritime Group ang apat na Tsinong mandaragat nang mamataan silang bumababa sa kanikang sasakyang pandagat sa Navotas Fish Port Complex. Kinilalani Col. Ricardo Villanueva, hepe ng Regional Maritime Unit-National CapitalRegion Office (RMU-NCR) ang apat na naaresto na si Huang Yongjie, 42; DaiShiwen, 56; Yafeng Zhou, 47; at Tan Riyang, 47, pawang ng Guangdong, […]
-
NCR at 38 iba pang lugar inilagay na sa ilalim ng Alert Level 1 simula Marso 1
SIMULA Marso 1, Martes ay nasa ilalim na ng Alert Level 1 ang National Capital Region. Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay sa ilalim ng Alert Level 1 ang NCR simula Marso 1, 2022 hanggang Marso 15, 2022. Ang iba pang lugar sa Luzon na inilagay sa ilalim ng […]
-
Philippine Women’s football team may dalawang laro pa sa Australia bago ang pagsabak sa SEA Games
SINIMULAN na ng Philippine women’s national football team ang kanilang training para sa 31st Southeast Asian Games. Ayon sa Philippine Football Federation (PFF) na ang 25 kababaihan na football players ay nasa Australia ngayon. Pinangunahan ng kanilang coach na si Alen Stajicic ang nasabing womens football team. Bukod kasi […]