• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pilipinas may sariling 3-on-3 basketball league na

Mayroon ng sariling professional 3-on-3 basketball league ang Pilipinas.

 

Ito ay matapos na bigyan ng Games and Amusement Board ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 League sa bansa.

 

Ayon kay GAB Chairman Baham Mitra, na tinanggap nila ang interest ng Chooks-to-Go 3×3 na maging professional.

 

Pinasalamatan naman ni Chooks-to-Go league commissioner Eric Altamirano ang GAB dahil sa pinayagan nila ang kanilang sports organization.

 

Inilunsad ang nasabing liga noong nakaraang taon para makasali ang bansa sa Tokyo Olympics kung saan doon gagawin ang unang 3×3 event.

 

Pasok na rin ang Pilipinas sa Olympic Qualifying Tournament matapos na makakuha ng sapat na puntos para sa Vienna, Austria, sa susunod na taon.

 

Umaasa si Altamirano na magtagumpay ang Pilipinas sa 3×3 basketball pagdating sa Olympics.

 

Binubuo nina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Dylan Ababou, Karl Dehesa, Santi Santillan, Jaypee Belencion, Chris De Chavez, Ryan Monteclaro, Gab Banal, at Leo De Vera ang ilang manlalaro ng 3×3 basketball.

Other News
  • Mas masaya ang Pasko at Bagong Taon ng pamilya: DINGDONG at MARIAN, parehong may patikim na sa bagong ‘home sweet home’

    MAS masaya ang Pasko at Bagong Taon ng pamilya Dantes.     Nag-post na pareho ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ng ilang bahagi ng kanilang bagong bahay.     Kahit hindi pa namin nakikita ang kabuuang bahay, hindi pa man ito itinatayo ay alam na namin kung gaano kabongga ang dream house ng […]

  • 2 kaso ng COVID-19 ‘Indian variant,’ naitala na sa Pilipinas: DOH

    Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon nang dalawang Pilipino na nag-positibo sa B.1.617, ang variant ng COVID-19 virus na unang natuklasan sa India.     “Kasunod ng isinasagawa nating purposive genomic sequencing ng UP-Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health sa mga inbound travelers na dumating sa bansa noong Abril na may […]

  • JOHN LLOYD, tuloy pa rin ang sitcom sa GMA-7 at posibleng magtambal rin sila ni BEA

    MATAPOS mabalitang nakipag-usap na si John Lloyd Cruz kay GMA Executive Ms. Annette Gozon-Valdes, pinag-usapan na ng mga netizens kung lilipat na si Lloydie sa GMA Network.      Nabalita rin na ipagpu-produce siya ni Willie Revillame ng isang sitcom sa GMA na ididirek ni Bobot Mortiz.  Pero nawala na ang balitang iyon at hindi […]