• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Zero COVID-19 positive itinala ng NBA

Ibinunyag ng National Basketball Association (NBA) na walang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang pinakahuling testing bago ang opisyal na restart ng liga sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

 

Dumating ang mga manlalaro sa quarantined bubble upang muling simulan ang liga matapos mahinto noong Marso dahil sa coronavirus outbreak.

 

Lalaruin ang liga na walang manonood at pansamantalang maninirahan ang mga manlalaro sa site habang tuloy ang laro sa kumpetisyon ng kani-kanilang koponan.

 

Ayon sa ulat, sa huling test na ginawa noong July 20, lahat ng manlalaro ay nag-negatibo sa COVID-19.

 

Nakatakda ring buksan ng National Hockey League (NHL) ang kanilang season sa Aug. 1 sa isa ring secured na lugar, ayon sa ulat.

 

Wala namang balak ang Major League Baseball (MLB) na maglaro sa bio-secure bubble setting matapos nitong paigsiin ang season simula pa noong isang linggo.

 

Sinuspinde naman ng MLB ang Miami Marlins ng isang linggo matapos isang dosenang manlalaro nito ang nagpositibo sa COVID-19 na nagbabadya ng muling pagkabalam ng season.

Other News
  • Pagpili ng ‘PAPI’s Outstanding Court Sheriff inilunsad na

    BINUKSAN na ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) ang pagpili sa natatanging sheriff ng mga regional trial courts (RTCs) sa Pilipinas.            Inihayag ito ni Mr. Nelson Santos, Presidente ng PAPI nitong Sabado, Mayo 5, matapos na pagtibayin ang isang resolusyon ng samahan na ilunsad ang pagpili sa natatanging RTC Sherrif […]

  • Diskriminasyon laban sa mga estudyanteng Moro, kinondena

    KINONDENA ng mga Muslim na mambabatas ang hinihinalang profiling ng Philippine National Police (PNP) sa mga mag-aaral na Muslim at inilarawan ito bilang lantad na uri ng diskriminasyon.   Isang talaan ang pupunan ng mga ito ukol sa detalye ng bawat estudyante tulad ng grade level, gender at total na bilang ng Muslim students sa […]

  • Estudyante isinelda sa P136K shabu sa Valenzuela

    KULONG ang 20-anyos na estudyante matapos makuhanan ng nasa P136K halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Pinuri ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela City Police sa pamumuno ni P/Col. Salvador Destura Jr, sa pagkakaaresto […]