Dating no. 1 Konsehal ng Pasig, JunJun Concepcion pormal nang naghain ng COC bilang Konsehal ng Distrito Dos
- Published on October 10, 2024
- by @peoplesbalita
KASABAY ng kanyang kaaarawan, Oct. 8 ay pormal nang naghain ng COC ang dating no. 1 Konsehal ng Pasig. Sa darating na halalan 2025 ay muli siyang magbabalik at tatakbo bilang City Councilor sa District 2.
” Isa sa mga maipagmamalaki naisulong ni Konsi Junjun ay ang mga sumusunod ang “Solo Parents Welfare Act Ordinance No. 43 Series of 2020.”
“Amended Fire Victim Assistance Ordinance No. 3 of 2019.”, “Public and Private Partnership Resolution No. 123 Series 2020.” at “Burial Assistance in form of Funeral Caskets and Services Resolution no. 3 Series of 2019.” Iilan lamang ito sa mga nagawa niya at nangangako siyang hihigitan pa ang mga programang maiaalay niya kung siya’y muling mapagbibigyan maluklok sa puwesto.
Sa loob ng dalawampung taon, nakapagbigay siya ng serbisyo sa taong bayan.
“Boses ng tao ang pinaka-importante sa mabuting gobyerno. Kaya’t boses din ng tao ang laging pinakikinggan ko. Hindi lang basta-basta ang pamumuno. Hindi lang “ako” ang nandito, kundi “tayo”. Kaya mahalaga sa akin ang bawat komentaryo, suhestiyon, at opinyon ninyo. Dahil sa bawat aksyon at desisyon—kayo ang uunahin ko.
Pasigueños,” pahayag ni Junjun Concepcion.
“Buo ang ating loob sa pagbabalik sa paglilingkuran upang ihatid muli sa bawat Pasigueño ang serbisyong karapat dapat.
Mapagkumbabang humingi tayo ng gabay at lakas sa ating Panginoon ngayong umaga kasama ang ating pamilya, mga taga-suporta at ka-partido. Bitbit natin ang ating pananalig sa Maykapal sa ating tatahaking laban na ito.
Hindi na tayo bagito sa pulitika ngunit alam nating hindi natin kakayanin kung ako’y mag-isa lamang. Sa sama-samang lakas at suporta ng bawat Pasigueñong nagluklok na sa atin dati bilang Numero Unong KONSEHAL sa Distrito Dos, naniniwala tayong mapagtatagumpayan natin itong muli! ” pahayag pa nito. (ARA)
-
Ads October 1, 2024
-
PAGTAAS NG ALERT LEVEL, IDEDEPENDE SA METRICS
NILINAW ng Department of Health (DOH) na ang posibilidad ng pagtaas ng Alert Level ay depende sa metrics ng Alert Level System alinsunod sa IATF Guidelines. Ang pahayag ng DOH ay matapos na magkaroon ng negatibong reaksyon sa social media kaugnay sa pahayag ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa isang panayam na […]
-
Netizens, nag-agree at papasa rin daw na magkapatid: KC, hiyang-hiya nang mapagkamalang boyfriend si GABBY
ISANG compilation video ng bonding moments nila ang ibinahagi ni KC Concepcion sa kanyang Instagram, bilang pagbati sa kanyang daddy na si Gabby Concepcion, na nag-birthday noong November 5. Caption niya, “It’s November, and that means celebrating the birth month of my sweet, kind, and guapo Papa love!” (smiling with sunglasses emoji) “I thank […]