• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagtiyak ng Comelec sa patas, malinis na halalan sa Pasig sinusugan

SINUSUGAN ng pamilyang makakalaban ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagtiyak ng Commission on Elections para sa patas at malinis na halalan sa lungsod sa darating na midterm elections sa susunod na taon.

 

Sinabi ni Curlee Discaya, asawa ng kilala sa Pasig na Ate Sarah at makakatunggali ni Sotto, na hindi sila konektado at walang kinalaman sa joint venture ng South Korean Miru System, ang nanalong supplier ng technology at paraphernalia para sa halalan 2025, taliwas sa reklamo ng alkalde base sa sulat nito kamakailan sa Comelec.

 

 

Nauna namang pinahupa ng Comelec ang alegasyon ni Sotto na ang pamilya ng kanyang inaasahang makakalaban sa halalan 2025 ay umano’y bahagi ng St. Timothy Construction na kasama sa grupong nabigyan ng award para sa supply contract ng technology at mga gamit sa midterm polls.

 

 

“Hindi papayagan ng Comelec na makompromiso ang integridad ng halalan,” pagtiyak ni Comelec chairman George Garcia kay Sotto, matapos niyang iparating sa alkalde na ang St. Timothy ay kumalas na sa joint venture ng Miru Systems.

 

 

Naniniwala ang grupo na tila natatakot ang alkalde sa sariling multo nang uriratin nito ang koneksyon ng St. Timothy sa Miru Systems na siyang magpapatakbo sa 2025 automated elections.

 

 

Matatandaang noong halalang 2019 kung kailan nanalo si Sotto bilang mayor ay nagkaroon ng isyu na pinaboran umano siya ng dating operator ng automated elections kaya tinalo nya ang nakaupo noon na alkaldeng si Robert ‘Bobby’ Eusebio.

 

 

“At sa halip na siraan kami nang walang basehan ay ikonsidera na lang sana ni Mayor Sotto ang aming offer na ang construction firm namin ang gagawa ng detailed engineering plan and design para sa bagong gusali ng city hall at ang nakalaang pambayad nitong P885 milyon ay donasyon na lang namin sa lungsod para sa pagpatayo ng dagdag na ospital na kumpleto ng medical equipments at mga gamot,” pag-ungkat ni Curlee sa kanyang naunang sulat sa alkalde.

 

 

Pahayag pa niya, “Hindi lang suhestiyon yung konteksto ng nauna kong sulat sa iyo, mayor, kundi offer of donation na kung pakikinggan mo sana ay matutuwa ang ating mga kababayan dahil silang lahat, mahirap man o mayaman, ang makikinabang sa pagkakaisa natin para sa kapakanan ng Pasigueños.”

Other News
  • “A Quiet Place: Day One” roars to record-breaking franchise best, and 2nd biggest opening weekend for 2024 in the PH

    A Quiet Place: Day One sets the biggest opening weekend in the history of the franchise, with a global tally of $98.5M. The film is also making noise locally as the 2nd biggest opening weekend in the Philippines for 2024.         Watch the newest trailer here: https://youtu.be/kshP9EQX-Ss         Set […]

  • Higit P.5M droga, nasamsam sa HVI drug suspect sa Valenzuela

    UMABOT sa mahigit kalahating milyong peso halaga ng shabu ang nasamsam sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City.       Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Liga, kinilala ni Valenzuela police chief […]

  • Ads January 24, 2022