Malabon LGU, nakipagtulungan sa Cocolife para sa health insurance ng mga empleyado
- Published on October 11, 2024
- by @peoplesbalita
SA layunin nitong mapabuti ang mga programa sa pangangalaga sa kalusugan, nakipagtulungan si Mayor Jeannie Sandoval at ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa Cocolife Insurance para magdagdag ng health insurance at mga benepisyo sa mga empleyado nito.
“Alam nating mahalaga na mapangalagaan natin ang ating kalusugan, lalo na ngayong pabago-bago ang panahon at patuloy ang ating pagseserbisyo para sa ating mga mahal na Malabueño. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng ating mga kawani sa ating layuning patuloy na pag-ahon ng lungsod. Kaya naman ating sinikap na maipatupad ang programang ito dahil prayoridad natin na masiguro ang kanilang kaligtasan at matulungan sila pagdating sa kanilang mga pangangailangang medikal,” ani Mayor Jeannie.
Sa pamamagitan ng Cocolife Healthcare, ang mga permanente, coterminous, temporary, at seconded na mga empleyado ng pamahalaang lungsod ay sasaklawin ng healthcare programs at kabilang sa ipinagkaloob na mga benepisyo ang in-patient, out-patient, emergency, preventive care, annual physical examination, life insurance, dental at iba pang benepisyo.
Ang bawat benepisyaryo ay magkakaroon ng access sa P80,000 maximum benefit limit o MBL per disability medical procedures para sa may pre-existing medical condition at sakop nito ang hanggang 50 porsiyento MBL.
Makakakuha rin ang mga benepisyaryo ng life insurance (P20,000 for natural death, at P40,000 for accidental death) bilang bahagi ng programa.
Samantala, nakipagtulungan din ang lokal na pamahalaan sa Philippine Red Cross para magbigay ng access sa accidental, death, disablement, at dismemberment insurance at burial aid para sa mga casual at job order employees.
“Naniniwala tayo na mas magiging maganda ang pagbibigay ng mga serbisyo at programa kung ang ating mga kawani ay malusog, protektado, at makakasigurong makakatanggap ng tulong sa panahon na kanilakailangan nila, lalo na kung nakasalalay ang kalusugan at buhay,” sabi naman ni City Administrator Dr. Alexander Rosete. (Richard Mesa)
-
‘The Suicide Squad’ Star Idris Elba to Play Knuckles in ‘Sonic The Hedgehog 2’
The star of James Gunn’s The Suicide Squad, Idris Elba, is heading to Sonic the Hedgehog 2! Elba is set to play Knuckles, another popular character from SEGA’s video game franchise. The actor teased the role on social media by posting a photo of the red echidna’s recognizable knuckles, with the caption “Knock, knock…..” and the […]
-
Nakatakda sa Oct. 7… PBBM, inaprubahan ang P7.9-B para sa immunization drive na Bakuna Eskuwela
INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglalaan ng P7.9 billion para sa national immunization program ng Department of Health’s (DOH). Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na ibinigay ni Pangulong Marcos ang kanyang pagsang-ayon sa isinagawang sectoral meeting kasama ang mga opisyal ng DOH sa pangunguna […]
-
PARI NA KABAHAGI NG PEACE PROCESS, PUMANAW NA
PUMANAW na ang pari na kabahagi sa pagsusulong ng prosesong pangkapayapaan sa Mindanao. Sa impormasyong inilabas ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines, atake sa puso ang ikinasawi ni Father Eliseo “Jun” Mercado Jr, 72 anyos Gayunman, negatibo na sa Covid-19 si Father Mercado nang bawian ng buhay kahapon sa Cotabato Regional Medical […]