• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HOSPITAL OCCUPANCY SA MM NASA DANGER ZONE NA

KINUMPIRMA ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na nasa “danger zone” na ang mga hospital sa Maynila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nahahawaan ng COVID 19.

“Nasa danger zone tayo ngayon sa NCR, nakikita natin na talagang tumataas ang kaso sa ÇOVID 19 ,”ayon kay Vergeire.

Nabatid na umakyat na sa mahigit 50,000 ang active cases ng COVID19 sa bansa at inatasan na rin ang mga pampublikong hospital na itaas hanggang sa 70%,ang bed capacity para sa COVID patients.

Kasabay nito,sinabi ni Vergeire na pag-uusapan mamayang hapon sa IATF ang mga rekomendasyong ibibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ng DOH.

Kabilang na ang ginagawang pakikipag usap ng Pilipinas sa apat na manufacturers sa China para makasali sa cilinical trials sa COVID19 vaccine.

Nabatid na nakisali na rin ang Pilipinas sa clinical trials remdesivir vaccine kung saan may 1,000 COVID patients ang lalahok sa cilinical trial.

Samantala, sinabi ni Vergeire na hindi inirerekomenda ng DOH ang paggamit ng Face mask na may valve dahil piwede itong pagmula ng pagkalat ng impeksiyon.

Una nang sinabi ng DOH na ang N95 mask ang dapat na gamitin ng mga frontliner sa hospital, surgical mass at  para sa mga komunidad ay maari nang gumamit ng cloth mask. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Pamilya bibilhan na ng bahay ni Mark Magsayo upang makaalis na sa squatter area

    BUTUAN CITY – Matinding kasiyahan ang naramdaman ng mga mamamayan sa Bohol matapos manalo si Mark ‘Magnifico’ Magsayo sa kanilang away ni American boxing champion Gary Russel Jr. kung kaya’t kanyang nakuha ang World Boxing Council o WBC featherweight belt.     Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inilhayag ng ama ni Mark na […]

  • SolGen, iginiit na legitimate law enforcement operation ang war on drugs

    SINABI ni Solicitor General Menardo Guevarra na hindi “crime against humanity” ang war on drugs.  Ito aniya ay  legitimate law enforcement operation target ang komersyo ng  illegal drugs. “‘Yung war on drugs, talagang ‘yung tinatarget natin doon ay ‘yung crime, ‘yung illegal traffic and illegal drugs,” ayon kay  Guevarra sa pinakabagong  episode ng  The Mangahas […]

  • BABAENG TULAK NG BAWAL NA DROGA, NAHULI SA TONDO

    ARESTADO ang isang babae na umanoy tulak ng illegal na droga sa isang buy bust operation nang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA- Region 3 sa Tondo, Maynila. Sa report ni PDEA-3 Regional Director Christian O. Frivaldo kay PDEA Director General Wilkins M Villanueva, kinilala ang suspect na si Belinda B. […]